“Kaya noong mga panahong iyon, ikinulong nila ako sa aming bahay. Bantay-sarado ako ng aking mga magulang. Walang oras o segundo na palagi silang naroon sa aking silid. Na sinisigurado nila na hindi ako makakatakas at makaka-alis ng bahay...” Ganito pala ang nangyari kay Vincent noon. Hindi ko alam na nahihirapan na pala siya noon sa kamay ng kaniyang mga magulang.
Naging masama ba ako? Nagtanim ako ng galit sa taong mahal ko. Kahit na, hindi ko alam ang totoong dahilan kung bakit siya nawala at iniwan ako ng biglaan. Patuloy pa rin si Vincent sa kaniyang pagkukuwento. Habang ako ay nananatili pa ring nakatayo at tahimik habang nakikinig sa kaniya.
“…para akong preso ako noong mga panahong iyon. Wala akong magawa kundi ang tumingin sa paligid ng aking silid. Kumain at matulog. Hindi ko alam na inayos pala ng aking mga magulang ang school documents ko para ilipat ang pag-aaral ko ng kolehiyo sa Manila. Wala akong nagawa kundi ang sundin lahat ng gusto nila...”
Naaawa ako kay Vincent. Naaawa ako sa naging kalagayan niya noon. Samantalang ako, naging makasarili. Hindi ko man lang inisip si Vincent kung naging maayos lang ba ang buhau niya. Hindi ko rin inalam ang rason sa likod ng biglaan niyang pag-alis.
“…noong nakapasok na ako sa Manila, agad na may ipinakilala sa akin ang mga magulang ko. Isang babae na anak ng kanilang batchmate. Gustong-gusto kong tumanggi at sabihin sa kanilang lahat na mahal na mahal kita. Pero, hindi ko nagawa. Hindi ko nagawa dahil naging mahina ako. Naging mahina ako dahil hindi ko man lang nagawang tumayo sa sarili kong mga paa para ipaglaban ka…
…naduwag ako. Pinilit nila akong ipakasal sa taong hindi ko kilala at minamahal. Hanggang sa, isang araw, ay natutunan ko na rin siyang mahalin. Biniyayaan kami ng isang bata. Gayunpaman, hindi ka pa rin nabubura sa isip ko. Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko alam kung panaginip iyon. Agad ring kinuha ng Maykapal ang buhay ng babae na tumanggap sa akin sa kabila ng kakulangan ko. Namatay siya at ibinilin niya sa akin na ang taong mahal ko raw ang gusto niyang makasama ko sa pagpapalaki ng anak namin.”
Hindi ko na napigilan pa ang pagluha ng aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin ko kay Vincent. Hindi ako makapaniwala na nagawa pa rin akong maalala ni Vincent kahit na may pamilya na siya. Tanging sarili ko lamang ang inisip ko noong panahon na akala ko ay tuluyan niya na akong iniwan.
“May pamilya ka na? At may anak? Pero, bakit ako ang nais na maging katuwang ng yumao mong asawa sa pag-aalaga ng anak mo?” Hindi ko napigilang itanong ang bagay na ito sa kaniya.
Tumingin ito sa akin ng malalim. At sa tingin niyan iyon, nararamdaman ko pa rin ang malalim nitong pagmamahal para sa akin. “Tinanggap ako ni Eunice kahit na alam niyang ikaw ang mahal ko. Kahit hindi niya sinabi sa akin ang totoong nararamdaman niya, hinayaan niya ang kaniyang sarili na maging panakip butas ko para lang makalimutan ka.”
Nagulat ako sa naging pagtatapat na iyon sa akin ni Vincent. Hindi ako makapaniwala na pumayag ang asawa niya kahit na ako ang mahal ni Vincent. Paano niya nagawa ang bagay na iyon? Paano niya natiis ang sakit habang nagmamahal siya ng taong may iba pang minamahal?
“Paano niya nakayanan ang sakit na iyon habang nagmamahal ng taong may minamahal pang iba?” Matapos kong magsalita, ay agad kong nakita si Vicnent na nakatayo na sa aking harapan. Maagap niyang nahawakan ang aking mga kamay palukob sa kaniyang katawan.
Wala na akong nagawa kundi ang magpadala sa nais niya. Aaminin ko, matinding pangungulila ang naramdaman ko sa pagkawala ni Vincent. At kahit nariyan pa si Lester, hinding-hindi niya kayang punan ang malaking kulang sa puso ko na tanging si Vincent lamang makakapagpuno.
“Dahil mahal niya ako. Handa siyang magparaya para lamang sa kasiyahan at kaligayahan ko. Kahit kailan, hindi niya ako pinagmadamutan na isipin ka. Hindi niya rin ipinagkait sa akin ang kalayaan na mahalin ka ng paulit-ulit. Ganun niya ako minahal, Jake.”
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomanceMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...