Habang hinihintay ko si Vincent na makabalik sa kaniyang kwarto. Inabala ko muna ang aking sarili na tumingin ng mga bagay-bagay sa kaniyang kwarto. Unang tinignan ang aming mga litrato na nakadisplay sa side table ng kaniyang kama. Habang pinagmamasdan ko iyon, hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kakaibang kilig dahil sa aking nakikita.
Sa mga litratong iyon, isa roon ang kuha namin noong nasa high school pa lamang kaming dalawa. Hindi ko aakalain na naitago niya pa ang ganitong litrato ng sobrang tagal. Hindi ko rin inaasahan na makukuha niya pa itong isama at idisplay sa side table ng kaniyang kama. Ang iba namang litrato namin ay kuha nitong recent events na aming pinupuntahan.
Matapos ako doon, dahan-dahan akong naglakad papunta sa closet ni Vincent. Nang buksan ko iyon, nakita ko kung gaano siya ka-ayos sa kaniyang gamit. Magkakasama ang mga polo shirt, mga long sleeve, mga slack, at mga pang-araw-araw niyang mga damit na isinusuot. Habang ang mga necktie naman niya ay nasa iisang sulok at doon magkakasama.
Habang pinagmamasdan ko iyon, hindi ko maiwasan ang humanga dahil sa pagiging maayos niya sa kaniyang gamit. Matapos iyon, sinunod ko namang tinignan ay ang kaniyang lalagyan ng mga sapatos. Nang buksan ko ang aparador kung saan niya itinatabi ang mga sapatos na kaniyang ginagamit. Tumambad sa akin ang isang malinis at maayos na pagkakasalansan ng kaniyang mga sapatos. Mula sa pamasok nitong pamasok, sa mga rubber shoes na ginagamit at sandals, ganun rin sa mga sinelas na ginagamit niya sa pang-araw-aaw. Lahat ng iyon ay naka-ayos at nakasalansan base sa gamit ng mga ito.
Muli jong isinara ang kabinet na iyon at tinungo ko naman ang lalagyan ng kaniyang mga perfume. Nakita ko iyon na nasa masa-ayos rin ang pagkakalagay ni Vincent sa kaniyang mga perfume. Sa mga nakita kong gamit niya, hindi ko aakalain na sa tulad niyang lalaki ay makakakita ako ng ganitong gamit sa loob ng isang kuwarto. Miski ang kaniyang silid mismo ay malinis at mabango rin.
Habang pabalik ako sa kaniyang kama, napa-iling na lamang ako habang natatawa sa aking mga nakita. ‘Daig mo pa ang isang babae, Vincent, sa sobrang pagkamaayos ng mga gamit. Kaya pala nagagalit ka kapag may mga gamit na hindi nailalagay sa ng maayos at sa mismong lalagyn ng mga iyon’ pagkausap ko sa aking sarili na natatawa pa rin sa mga sandaling ito.
Nang makaupo na ako, ilang minuto pa lamang ang lumilipas nang biglang nagbukas ang pintuan ng kwarto ni Vincent at agad na lumabas roon ang taong kanina ko pa hinihintay. Nang madapo ang aking tingin sa mukha niya, agad na nawala ang ngiti sa akin labi at napalitan iyon ng isang tingin na nagtatanong sa kaniya.
Hindi muna ako nagsalita bagkus ay hinayaan ko na lamang itong maupo sa kaniyang kama at hintayin na lamang na siya ang magsalita at maglabas ng dahilan kung bakit siya nakasimangot sa mga sandaling ito. Maya-maya pa ay naramdaman ko na lamang na napayakap sa akin si Vincent. Kaya naman agad ko itong inakap pabalik habang marahan na hinihimas ang kaniyang loob.
“Jake…” pagtawag niya habang nakayakp siya ng mahigpit sa akin. Napa-ungol na lamang bilang sagot ko sa kaniya. “…naalala mo ba ‘yong ipinangako mo sa akin noong nasa office tayong dalawa? Ako kasi, naaalala ko pa ‘yong eksaktong pagkakasabi mo noon,” wika niya. Napahiwalay naman ako ng pagkakayakap sa kaniya at nagbigay ng isang tingin na nagtatanong.
Nang wala itong nakuhang sagot mula sa akin. Muli niyang kinuha ang pagkakataong iyon upang makapagsalitang muli sa akin. “Gawin na natin ngayon? Sobra akong nabitin kanina sa office. Puwede nating ipagpatuloy ngayon dito sa kwarto natin.” Sunod-sunod na kaniyang pagsasalita sa akin.
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomanceMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...