Bianca wants me to break up with Jake as she let my daughter back to me. And she also wanted to continue our wedding as she let Jake enjoys his freedom. Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. Sobra na akong naguguluhan sa mga gagawin kong desisyon. Ayokong hiwalayan si Jake dahil siya ang buhay ko. Mahal na mahal ko si Jake and I will never ever leave him alone.
Ayoko ring mawala ang anak ko sa akin. She’s my greatest gift I’ve received from the God. And I can’t afford to lose her, siya lamang ang mayroon ako at ayokong mawala pati siya sa akin. ‘What should I do now? Dapat ko bang sundin si Bianca kapalit ng kaligtasan ng anak ko? Ngunit I will lose Jake kapag ginawa ko iyon.’
Napabalik na lamang ako sa aking ulirat nang marinig ko ang sunod-sunod na pagkatakot ng aking Executive Assistant na si Elice sa pintuan ng aking office. Agad naman akong napatingin roon at saka ako sumagot sa kaniya, “Come in.” maiki at simpleng pagsasalita ko sa kaniya.
Ilang segundo matapos ko itong sagutin, nakita kong dahan-dahan na binuksan ni Elice ang pintuan ng aking opisina. Pumasok ito sa akin habang may hawak na isang brown envelop. Napakunot-noo naman ako sa hawak niyang iyon.
“Sir Vincent,” mahina nitong pagsasalita na sapat na sa aking pandinig upang marinig ko iyon, “nalaman ko ‘yong nangyari sa anak mo kahapon. Pasensya na kung wala akong nagawa para matulungan ka.” Pagpapatuloy nito sa kaniyang pagsasalita.
Umiling naman ako sa kaniya at saka ako nagsalita rito, “Wala kang kasalanan sa nangyari. Nangyari lamang ‘yon dahil sa… itinapat nila iyon noong mismong pag-alis ko ng bahay. Naikuwento na sa akin ni Manang Dory at Manong Ernie ang buong nangyari.” Saad ko sa kaniya.
Muling nagbalik sa aking ala-ala ang mga senaryong base sa pagkakalathala ng mga pangyayari sa akin nina Manang Dory at Manong Ernie. Habang nasa loob ako ng aking sasakyan, hinihintay si Manong Ernie na lumabas upang buksan ang gate para makagarahe ako. Ngunit, makatapos kong bumusina ng ilang sunod ay walang Manong Ernie akong nakitang lumabas ng bahay.
Agad akong nagtaka noong hindi lumabas mula sa aming bahay si Manong Ernie. Kaya naman nagdesisyon na akong bumaba upang tignan sila sa loob. Nang makababa na ako ng aking sasakyan, marahan kong kinuha ang susi ng gate sa aking bulsa at maingat ko iyong binuksan. Nang makapasok na ako sa bahay, dahan-dahan akong naglakad papasok.
Habang naglalakad ako, mula sa aking puwesto ay rinig na rinig ko ang malakas at marahas na pag-iyak ni Manang Dory. Kaya naman ang lakad ko kanina lamang ay naging pagtakbo upang mabilis na matignan ang nangyayari sa loob. Nang makita ko sila, si Manang Dory ay nakaupo na sa sahig habang si Manong Ernie naman ay patuloy lamang sa pagpapakalma sa kaniya.
Hindi muna ako nagsalita nang makita ko sila sa ganung posisyon, bagkus ay marahan akong lumapit sa kanila ng hindi nila nararamdaman upang mapakinggan ang kanilang pag-uusap. “Ernie, paano natin ito maipapaliwanang kay Vincent? Natatakot ako na baka magalit siya sa ating dalawa.” Dinig kong pagsasalita ni Manang Dorry kay Manong Ernie.
“Dorry, wala tayo kasalanan sa nangyari. Miski tayo ay nagulat sa mga pangyayayring hindi natin aakalain na magaganap,” nakita kong marahan na naupo si Manong Ernie sa harapan ni Manong Dorry at saka ito nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita, “ang mali nga lang natin, hindi tayo lumaban para sa bata na mabawi siya.” Dagdag ni Manong Ernie sa kaniyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomanceMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...