Chapter 58: Jake

6 1 0
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas, ngunit wala pa ring response si Lester sa kaniyang kondisyon. Habang tahimik kong pinagmamasdan si Lester, hindi ko maiwasang maawa sa kaniyang nararanasan. Kung hindi lamang siya nakipag-usap kay Bianca, hindi niya sana ito mararanasan.

Pero, kung hindi ko sinaktan si Lester. Hindi niya magagawang makipagtulungan kay Bianca at hindi siya magkakaroon ng pagkakataon na makilala ang tulad ng babaeng iyon. Maingat at marahan kong hinawakan ang kamay ni Lester. Marahan kong hinimas iyon habang may mga aparatong nakakabit sa kamay nito.

Muling naglandas ang aking mga luha sa aking mata. Hindi ko maalais sa aking isipan na ako ang dahilan kung bakit narito ngayon at nag-aagaw buhay si Lester. “Lester, sana… mapatawad mo ako sa nagawa ko sa iyo. Kasalanan ko ito. Ako ang may kagagawan kung bakit ka naririto… nag-aagaw buhay.”

Dahan-dahan akong napayuko sa kamay ni Lester habang patuloy sa paglandas ang aking luha. Ito na yata ang pinakamasakit na nangyari sa akin bukod sa pagkawala ng aking ina at kumpara sa nagawa sa akin ni Vincent. Patuloy akong kakainin ng aking konsensya sa nagawa kong ito sa iyo.

Maya-maya pa ay may narinig akong pumasok mula sa labas. Agad kong pinunasan ang aking luha at inayos ko ang aking sarili. Lumingo ako sa taong pumasok at bumungad sa akin si Leona na may dalang isang supot ng pagkain. Nang makita ako nitong nakatingin sa kaniya, agad ako nitong nginitian. Napangiti na lamang ako sa kaniya bilang sagot ko.

Naglakad naman ito palapit sa aking gilid at marahan na inilapag ang mga pagkain na kaniyang dala-dala. Ngunit, nahagip ko ang aking paghinga ng maramdaman ko ang malamig na kamay ni Leona na humawak sa aking balikat. “Jake, ayos ka lamang ba?” tanong nito sa akin.

Tumango naman ako sa kaniya bilang sagot at saka ako nagsalita rito, “Hindi ko alam kung ayos nga ba ako, Leona. Sobrang naguguluhan ako ngayon,” tumingin ako sa kaniya at nakita ko kung paano ito nalungkot sa aking sinabi, “Leona, hindi ka ba nagagalit sa akin? Nang dahil sa akin kaya nagsu-suffer ng husto si Lester. Ako ang dahilan kung bakit siya nariyan ngayon at nakikipaglaban para sa sarili niyang buhay.”

Muli kong naramdaman ang paghagod sa aking likod ni Leona, at habang pinagmamasdan ko ito, nakita ko siyang umiling sa akin. “Hindi, Jake. Never akong nagalit sa iyo, lalo na sa nangyari kay Lester. Nagagalit ako sa sarili ko… dahil hindi ko man lang nagawang protektahan si Lester mula sa taong gumawa niyan sa kaniya.

“Pero, ngayon, Jak… ang mahalaga sa akin, narito na si Lester. Hindi ako magsasawa na alagaan siya, pagsilbihan siya. Dahil… obligasyon ko iyon bioang mapapangasawa niya. Ayon ang mahalaga hindi ba, Jake?” balik na pagtatanong sa akin ni Leona. Tumango naman ako sa kaniya at sabay na ngumiti rito.

“Oo, Leona. Ayon ang mas mahalaga ngayon. Pero, masakit man na makita natin sa ganiyang sitwasyon si Lester. Alam kong may awa ang D’yos na hindi niya pababayaan si Lester. He’ll get through it all, just trust him.” Matapos kong sabihin iyon, naramdaman ko na lamang ang pagyakap sa akin ni Leona.

Sinagot ko naman ang pagyakap niya sa akin. Narinig ko naman itong nagsalita habang nakayakp sa akin, “Salamat talaga, Jake. Kung wala ka, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Super thank you talaga sa mga tulong na ginawa mo para kay Lester.”

“Hindi… hindi sa ganun, Leona. Hindi mo kailangan magpasalamat sa akin. Gusto kong gawin ito para masuklian ang mga sakripisyo sa akin ni Lester. At para na rin sa inyo ng magiging anak ninyong dalawa.” Saad ko. Ngumiti naman ako sa kaniya at muli kong nakita ang saya at ngiti sa labi ni Leona.

Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon