Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko alam kung anong lugar ito. Wala akong ibang taong nakikita bukod sa mga damong malayang sumasayaw sa giliw ng malakas na hangin. Napakasarap sa lugar na ito, walang ingay, tahimik ang buong kapaligiran. Tanging pag-ihip lamang ng hangin ang siyang naririnig ng aking mga tenga, maging ang pagaspas ng mga damo.
Habang may ngiti sa aking labi, hindi ko napigilan ang aking sarili na maglakad upang malibot ko ang paraisong ito. Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng lugar na ito. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang mga ibon na malaya sa kanilang mga paglipad sa himpapawid. Matapos iyon, muli akong naglakad hanggang sa napunta sa kalagitnaan ng paraisong ito.
Habang nakatayo ako, dahan-dahan kong itinaas ang aking mga kamay at marahan akong tumingala sa ulap. Nang makita ng dalawang mata ko ang asul na asul na ulap. Muli akong namangha dahil sa sobrang payapa ng ulap. Kaya naman, habang dinarama ko ang tahimik ng buong kapaligiran, muli akong pumikit at dahan-dahan akong umikot na animo’y smasabay sa pagsayae ng damo at pag-ihip ng hangin.
Makalipas ang ilang sandali, napatigil ako sa aking ginagawa nang may naramdaman akong naglakad palapit sa akin. Kaya naman, dahan-dahan akong lumingon sa taong iyon at nakita ko ang isang babae na nakangiting nakatingin sa akin. Napakunot-noo naman ako dahil sa nakikita kong reaksyon sa kaniya. “Hi! Sino ka? Dito ka ba nakatira? Alam mo, sobrang peaceful ng lugar na ito at ang sarap sa pakiramdam.” Wika ko.
Matapos kong magsalita sa babae, nakita ko namang naglakad ito palapit sa akin. Nang nasa aking harapan na ito, marahan niyang inilibot ang kaniyang paningin habang may ngiti pa rin sa kaniyang labi at saka ito nagsalita sa akin, “Hindi. Naisipan ko lang magpunta rito. Kilala mo ba ako?” biglang pagtatanong nito sa akin. Umiling naman ako sa kaniya. “Ako nga pala si Eunice. Nice meeting you here, Jake.” Pagpapatuloy niya.
Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang binanggit niyang pangalan. Napa-iling naman ako sa kaniya habang napatakip ako sa aking bibig. “Paano ka napunta sa lugar na ito? Hindi ba, patay ka na? Bakit mo agad iniwan ang anak mong si Cheska? Hindi ka man lang nagpakatatag para sa kaniya? Hindi mo ba alam na nangungulila siya sa ina. She kept asking Vincent about her mom.” Hindi ko napigilan ang aking sarili na sabihin iyon lahat sa kaniya.
Ang inaasahan kong magiging malungkot ang kaniyang mukha, salungat iyon sa aking inaasahan. Nakita ko itong muling ngumiti sa akin at saka nagsalita, “Alam ko ang bagay na iyon, Jake. Gustuhin ko man na maging matatag at lumaban para sa sarili kong buhay. Pero, hindi na iyon pinahintulutan ng D’yos. Sinabi niya sa akin na magpahinga na ako sa kaniyang mga bisig.
“Kaya, ayon ang ginawa ko. Alam ko naman na hindi pababayaan ni Vincent ang anak namin. Masaya ako na naipanganak si Cheska ng ligtas at malusog. Hindi na rin ako mag-aalala pa sa kanilang dalawa, dahip alam kong nariyan ka, Jake. Tanggap at mahal na mahal mo si Vincent, maging ang anak ko.”
Sa mga sinabing iyon ni Eunice sa akin, hindi ko napigilan ang aking mga mata na hindi mapaluha. Agad rin akong naglakad sa kaniya upang bigyan ito ng mahigpit na yakap. At habang nakayakap ako sa kaniya, nagbitiw ako ng mga pangako na habang buhay kong gagawin sa kaniyang mag-ama. Habang sinasabi ko ang mga iyon, naramdaman ko namang ngumiti si Eunice sa akin.
“Huwag kang mag-alala, aalagaan ko sila ng maayos at mamahalin ko sila sa abot ng aking makakaya. Hindi ko man mapantayan ang pagmamahal na ibinigay mo sa kanila, bagkus, ako na lamang ang magpapatuloy nang mga iyon para sa iyo. Mahal na mahal ko si Vincent, lalong-lalo na ang anak ninyong si Cheska. Napalapit na sa akin ang bata, kaya naman, gagawin ko ang lahat para mabantayan at masigurado ko ang kaligtasan nilang dalawa.”
BINABASA MO ANG
Together, Forever: 'Til The End [BOYXBOY] [Completed]
RomanceMatagal na nagkahiwalay sina Vincent at Jake. Simula ng magdesisyon ang mga magulang ni Vincent na ilipat ito ng paaralan. Dahil sa nangyaring paglipat, naiwan na mag-isa si Jake sa paaralan na kung saan noo'y sabay pa silang pumapasok at umuuwi. S...