Prologue
"Therese!!! Hindi kita niyaya rito para lang maging display kasama ng mga halaman na 'yan," sabi ni Lissa sa kaibigan nang balikan niya ito sa puwesto nila at madatnang nagmumukmok pa rin ito sa sulok kasama ng mga naka-display na halaman sa kinaroroonan nilang bar sa Tagaytay. Mas pinili nilang lumabas ng Manila dahil kahit saan sila magpunta ay maraming nakakakilala sa kaniya roon bilang volleyball superstar. At least, dito, mangilan-ngilan lang. "Reese naman! I brought you here to have some fun!" dagdag pa ni Lissa habang napapaindak pa sa music.
"Cheer up! It's not the end of the world kahit na hindi ka pwedeng maglaro dahil sa injury—"
"Shut up, Melissa," mariin at seryosong wika ni Reese nang banggitin ng kaibigan ang bagay na 'yon.
"I'm sorry."
Yes. She can no longer play the sport she loves most. Natuldukan na kasi 'yon ng isang major injury na natamo niya sa huling laban para sa championship game nila ng archrival team. Pero hindi 'yon ang iminumukmok niya ngayon. Nakamove-on na siya. Nangyari na ang nangyari at wala na siyang magagawa. Ang choice na meron na lang siya ngayon ay magpatuloy. At saka, it's been more than a year pero ang tingin pa rin ng mga kaibigan niya sa kaniya ay na-stuck siya sa moment na 'yon at 'di makapag-move on.
"Actually, kung bakit ako ganito ay pinag-iisipan ko yung offer sa akin ng Salvatore University," wika ni Reese na ang tinutukoy ay ang isa sa dalawang university na nadagdag sa University Athletic Association of the Philippines o mas kilala bilang UAAP.
"They want me to be the coach of their women's volleyball team," sabi pa niya para mapaupo si Lissa.
"OMG! Assistant coach ni Ms. Kaye?"
"Nope. Head coach mismo. Nagresign na kasi si Ms. Kaye."
"Oh. My. God! Hindi mo na dapat pag-isipan 'yan! I-gora mo na 'yan, girl!"
"Easier said than done, Lissa. Look, halos kaka-graduate ko lang ng college at gusto na nila akong kuning coach! Wtf!"
"The Salvatore maybe new to UAAP pero established na sila as one of the best academic schools in the country. At kung gusto ka talaga nilang gawing coach sa women's volleyball team, aba, magdiwang ka. Ibig sabihin nun, pasado ka sa requirements nila," litanya ni Lissa.
Napabuga na lang ng hangin si Reese at nakipag-usap pa kay Lissa tungkol sa bagay na 'yon.
Mayamaya'y inatakeng muli ng boredom si Lissa at hindi nagtagal ay hindi na nito napigilan ang sarili at hinila sa braso si Reese para ayain sa dance floor.
"Reese!!! C'mon!" may kalakasang sabi ni Lissa.
"No! No! No! No, Lissa! Ayos na ako rito!" pagtanggi ni Reese na kumawala sa paghila ni Lissa sa braso niya. "Believe me I'm having fun here," wika pa niya at ngumiti. Pagkatapos ay itinaboy niya ang kaibigan na bumalik na lang sa dance floor at i-enjoy ang gabi.
"Why? I'm having fun here...alone..." wika ni Reese sa sarili matapos bumalik ni Lissa sa dance floor. Totoo namang nag-e-enjoy siya kahit narito lang siya at nakaupo. Sapat na sa kaniya ang panoorin ang mga nagsasayaw habang bahagyang nadadala sa lively beats ng disco music.
Isa pa, kuntento na rin siyang panoorin sa 'di kalayuan ang babaeng bartender na ini-entertain ang mga kaharap na customer sa pamamagitan ng pag-e-exhibition. Kung hindi nga lang maraming tao ay isa na rin siya sa nakigulo sa mga ito.
Mayamaya'y wala sa loob napangiti siya habang nakamasid sa babaeng bartender. Eksakto namang napalingon ito sa gawi niya at ginantihan ang ngiti na nakapaskil sa kaniyang mga labi. Kumindat pa ito sa kaniya kahit nasa gitna ng pag-e-exhibition. Kung titingnan pa nga ay parang nagpapakitang-gilas ito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...