Chapter 29
"Pwede bang hindi muna ako magpractice bukas?" tanong ni Alayne kay Reese habang nakaharap sa laptop at gumagawa ng assignments. Nakasalampak lang siya sa carpet at nakasandal sa sofa.
"At bakit hindi? Magaling na ang mga sugat mo kaya pwede ka nang maglaro," wika ni Reese na nakahiga sa sofa at pinapanood ang ginagawa ni Alayne. Minsan ay panaka-naka niya itong ginugulo at inaasar. Naroong kilitiin niya ito sa leeg o 'di kaya ay sa tainga. Naiinis man ito sa kaniya pero halik lang niya ang katapat nito.
"Dahil hindi kasi naman kailangan. I can beat them kahit wala akong practice."
Binatukan ni Reese si Alayne. "Ang yabang mo rin talaga, e, no? Our last game for the first round elimination will be against the UP Lady Maroons, and they are the defending champions of PVL Collegiate Conference kaya h'wag mo silang maliitin."
"Well, if this Lady Maroons is the same with the other teams like Manila U, then they're not a big deal to me. Honestly, Reese, this PVL bores me. The teams are weak, hindi ako nacha-challenge," seryosong wika ni Alayne habang hindi inaalis ang mata sa monitor at patuloy na nagta-type. "God, I'm not even playing the hundred percent of my game."
Nagulat naman si Reese sa kaprangkahan ni Alayne ngayon. Though hindi niya ito masisi kung ganito ito. The PVL teams are not weak, iba lang talaga ang level at kalibre nito kaya ganito ang mindset nito. Alayne was also used and exposed sa international games kung saan puro mga volleyball superstars ang nakakalaban nito.
"H'wag mong masyadong maliitin ang Philippine Volleyball dahil baka kainin mo 'yang kayabangan mo kapag may nakatapat ka na kaya kang ilampaso."
"Well, excited na akong makilala siya...if ever na ipinanganak na nga siya."
"Kayabangan talaga! Then wait 'til you play against the powerhouses of UAAP."
"Yes, and I'm gonna beat them all," wika ni Alayne at kinuha ng kamay ni Reese at hinalikan. "And we'll get that big trophy you deserve..."
***
Game day...
As expected sa Lady Maroons na defending champions ng league, maganda ang ipinapakita ng mga ito laban sa Salvatore U pero hindi sila kampante lalo't alam nila ang kakayahan ng mga itong magcome back at ipanalo ang game lalo't hindi pa ipinapasok ang rookie setter ng Salvatore na kayang-kayang baligtarin ang takbo ng game sa playmaking nito.
Sa katunayan, inaabangan na ng lahat si Alayne De Marco at isa na sa mga player na tinututukan nila o ini-scout kahit ng mga UAAP teams na hindi kasali ngayon sa PVL. They already see her as a threat kaya naman pinaghahandaan na nila ito para sa next UAAP season.
Sa kabilang-banda, aware na si Reese sa ganitong nangyayari kaya naman pabor na sa kaniya na hindi starter si Alayne at minsan lang maglaro para hindi ito masyadong ma-scout ng ibang teams. At kung ma-scout man ito, wala pa ring problema sa kaniya dahil alam niyang hindi pa ipinapakita ni Alayne ang tunay na laro nito. Maybe lalabas 'yun later this season, o 'di kaya ay sa UAAP na mismo.
Dumating ang 3rd set na lamang ng 2 sets ang Lady Maroons ngunit sa 2 sets na 'yun ay naging sobrang higpit ng laban. Kitang-kita 'yun sa scores na, 29-27 at 32-30. Kaya naman ipinasok na ni Reese si Alayne sa 3rd set.
Pagkatapak na pagkatapak pa lang ni Alayne sa court ay naghiyawan na ang mga manonood lalo na ang mga supporters ng Salvatore. Hindi man laging naglalaro si Alayne pero alam na nila ang nagagawa nito sa playing time nito lalo na ang inaabangan nilang one-two plays o spectacular smart plays nito. At ngayong pumasok na ito sa court, sa loob-loob nila'y alam na nilang panalo na ang Salvatore.
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...