Chapter 28

9.5K 348 39
                                    

Chapter 28


Saturday...

"O, De Marco, buhay ka pa?" bungad sa kaniya ni Seyer nang dumating siya sa gym.

"And why wouldn't she, Ms. Angeles?" wika ni Reese na hindi napansin ni Seyer na kasunod lang pala ni Alayne. "Nag-uumpisa ka na naman ba ng gulo, Seyer?"

"C-Coach! H-Hindi po," ani Seyer.

"What happened to your face? Ba't may pasa ka?" tanong ni Reese kay Seyer.

Nagkatinginan si Alayne at Seyer at 'di kaagad nakasagot si Seyer.

"Nakipag-away ka ba, Seyer?" tanong ni Reese.

"Hindi po! Ano kasi, Coach...uhm..."

"Alam mong pwedeng-pwede kang masuspendido sa buong season oras na makipag-away o makipagrambulan sa iba."

"Uh, natamaan lang po ng bola—" pagsisinungaling ni Seyer na agad namang sinakyan ni Alayne.

"'Yan ata 'yung tinamaan siya ng malakas na spike ni Cap sa mukha nung isang araw."

"Is that true?"

"Yes, Coach."

"Okay," ani Reese pero hindi kumbinsido. "Anyway, h'wag kayong masyadong magtabing dalawa. Oras na mag-away na naman kayo, pag-uuntugin ko na kayong dalawa."

"Noted, Coach,"ani Alayne bago lumayo si Reese.

.

.

.

"Angeles!" tawag ni Alayne kay Seyer nang sumapit ang break nila.

Sinigurado niya munang hindi nakatingin si Reese nang lapitan niya si Seyer. "Heto na ang sampung piso mo," sabi niya at itinoss ang ten-peso coin kay Seyer. "Wala na akong utang, a."

"Tch!"

Itinuro ni Alayne ang pasa mukha ni Seyer at napangisi. "I did that," sabi niya na parang proud pa sa ginawa.

Naasar naman si Seyer sa ginawa ni Alayne kaya naman kinuwelyuhan siya nito pero agad ding binitawan.

"Fuck off, De Marco!" sabi lang nito at tinalikuran siya.

.

.

"Mukhang wala sa mood si Angeles makipag-jumbagan sa'yo, besh."

"Halata nga," tugon ni Alayne kay Penelope.

"Balita ko naholdap 'yan kahapon. Natangay lahat ng kaperahan niya, yung stipend niya pati 'yung kaka-loan lang niyang pera para sana pandagdag sa operasyon ng nanay niya..."

"Hmm..." Sinundan niya ng tingin si Seyer.

'Kaya pala'

"Pang-MMK din ang life niya, e. Ayoko na sanang maasar sa kaniya pero 'di ko maiwasan. Nuknukan kasi ng yabang."

Nang hindi siya umimik ay hinampas siya ni Penelope. "Grabe siya, wala man lang reaction?!"

"Having no reaction is also a reaction."

"Hanudaw?!"

"Tch. Magpractice ka na nga 'dun, Poppy!"

"Ikaw?!"

"I'm injured kaya pass muna," sabi niya at inilabas mula sa bulsa ng jogging pants ang mga kamay na balot ng benda.

"Hala! Anyare?"

"Long story," aniya. Tinatamad na siyang magkuwento ngayon. Kanina ay nasabi na niya kay Lissa dahil nakita nito ang mga kamay niya, pagkatapos ay napangaralan siya nito. Kaya naman ayaw na niyang ulit-ulitin pa sa iba. Isa pa, nakita niyang masama ang tingin sa kanila ni Reese dahil imbes na nagpapractice na si Penelope ay nakikipagchikahan pa ito sa kaniya.

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon