Chapter 4
"Please, bro! Doon muna ako sa condo mo. 'Di mo naman ginagamit 'yun, e!" pangungulit ni Alayne habang kumakain sila ni Rafael.
"No, Alayne! It's either dito ka sa bahay o magdodorm ka!"
"Ang layo kaya ng bahay sa school at ang traffic pa! It will be hell kung everyday akong uwian dito from school."
"Well, magdorm ka. Free ka naman sa accomodation."
"Also a big no! Mawawalan ako ng privacy dun!"
Nang hindi pa rin mapa-oo ni Alayne ang kapatid ay patuloy niya itong kinulit.
"Ba't ba ayaw mong dun ako sa condo mo. Mas malapit 'yon sa school." Saglit na natigilan si Alayne. "Don't tell me doon mo dinadala 'yung mga flings mo kaya ayaw mong ipagamit sa'kin ang condo mo, no?!"
"Alayne!" saway ni Rafael.
Si Hillary na kanina pa tahimik sa pakikinig sa pagtatalo ng magkapatid ay biglang natawa pero agad ding tumahimik dahil sinamaan ito ng tingin ni Rafael.
"Alam ko na, Kuya. Ibili mo na lang ako ng condo."
"Kung makapagsabi ka parang nagpapabili ka lang ng candy, a."
"Ba't ba? Afford mo naman, a."
"You know it's not the issue here, Alayne," seryosong sabi ni Rafael dahilan para mag-iba ang timplada ng mukha ni Alayne. Nang sumeryoso ito ay hindi na muling umimik pa hanggang sa matapos itong kumain.
***
Kinabukasan ay inaasahan ni Alayne na ihahatid siya ng Kuya niya papuntang school pero nalaman na lang niya paggising niya na nauna na pala ito sa kaniya.
"Ate Gurl, pinapasabi ni Kuya Raffy na mauuna na raw siya. May emergency 'ata sa work," nag-aalang na sabi ni Hillary dahil sa galit na pinapakita ni Alayne.
Tinawagan ni Alayne si Rafael ngunit nakailang dial siya bago ito masagot ng huli. Galit na galit niyang inaway ang kapatid sa wikang Italyano.
"So ano, pagko-commute-in mo ako?" ani Alayne pagdaka na 'di pa rin naiibsan ang galit.
Walang magagamit na kotse si Alayne dahil gamit ito ng kapatid niya. Ang motorbike naman niya ay pinapaayos pa dahil nga sa pagkakadisgrasya niya nitong nakaraan.
Wala namang problema sa kaniya kung magko-commute siya o maglalakad. Ang nakapagpainit ng ulo niya ay 'yung hindi siya nito inabisuhan ng maaga. O nagsabi man lang bago umalis. E 'di sana naagahan niya.
"Ang simple ng problema mo, Alayne. You can just book a Grab!"
"What the fuck is Grab?!"
"Ask Hillary. I have an on going meeting. Bye!" inis na wika ni Rafael sa kabilang linya at pinutol ang tawag.
"The heck—?"
"A, ano, ate gurl. Habang nag-uusap kayo ni Kuya, nai-book na kita ng Grab. Hintayin na lang natin," wika ni Hillary at ini-explain kung ano ang Grab kay Alayne. "Chill ka na dyan, swishhyy."
"Tsk! Kainis!"
.
.
.
Akala ni Alayne ay late na siya pero pagkarating niya sa classroom ay hindi pa nag-uumpisa ang klase.
"Hey, is this the Math 17 class?" tanong niya sa pinakamalapit na babaeng estudyante para makasiguro.
Bago ito sumagot ay sinuyod muna nito ng tingin si Alayne mula ulo hanggang paa. Sa tangkad ni Alayne na 5'11" ay halos hindi ito umabot sa balikat ni Alayne. Halos mabanat pa ang lahat ng ugat nito sa leeg sa pagtingala sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...