Chapter 39

9K 345 32
                                    

Chapter 39


Kinabukasan...

Nakasalampak si Alayne sa bermuda grass ng school grounds habang abala sa pagkuha ng pictures gamit ang DSLR ng scenery o ng mga grupo ng studyanteng nakatambay rin sa kani-kanilang puwesto o 'di kaya'y 'yung mga nagfi-freesbie. Kesa isipin nang isipin ang nangyari sa kanila ni Reese ay mas minabuti niyang abalahin na lang ang sarili sa ganito.

Mayamaya'y naramdaman ni Alayne na may tumabi sa kaniya at tumapik sa balikat niya.

"Hey, Cap," aniya nang malingunan si Alessa. Tinanggal niya ang headphones sa tainga at isinabit sa leeg niya.

"Nag-iisa ka," sabi nito at umupo sa tabi niya.

"Nagreremoval pa kasi si Poppy. Bumagsak sa exam, pa'no puro daldal inaatupag."

"Nakow! Ipasa niya dapat 'yan. 'Pag bumagsak siya sa isang subject, 'di siya makakasama sa training camp sa Japan. By the way, naasikaso mo na 'yung mga papers mo?"

"Yup," sagot ni Alayne at kinunan ng litrato si Alessa. "Ikaw, Cap, wala ka ng klase?"

"Wala na. I'm free for the rest of the day," anito at humiga sa damuhan at nag-inat. "Namiss kong tumambay dito..."

Tinuloy ni Alayne ang kaninang ginagawa hanggang sa may sumagi sa isipan niya.

"Cap..."

"Hmm?"

"Gaano na kayo katagal ni Karen?"

"Hm...6 years, high school pa lang, kami na..."

"Amazing," ani Alayne at hindi naitago sa mukha ang pagkamangha. "Pa'no kayo tumagal ng ganun? I mean, pa'no niyo napatatag ang relationship niyo?"

"Well, liban sa mahal namin ang isa't isa, tiwala lang. Saka sa dami ng mga struggles namin, madalas away-bati, pero walang sumusuko sa'min. And communication, open kami sa isa't isa. No secrets. Siguro 'yun, kaya napagtiyagaan namin ang isa't isa for six years."

Biglang binaha ang isipan ni Alayne ng mga bagay na patungkol sa kanila ni Reese.

"I wonder kung tumagal kami ng ganun..." wala sa loob na nasabi ni Alayne at pagak na natawa. At huli na para bawiin 'yun.

"May problema ba kayo ng gf mo?"

"Hmm. Nagkaroon kami ng kaunting pagtatalo kagabi..." At hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakausap ni Reese. Hindi pa rin sila nagkikita lalo't wala namang practice kaninang umaga. Siya rin kasi ang umiiwas muna.

Napabuntong-hininga si Alayne.

Nagdadalawang-isip siyang mag-open up kay Alessa.

"C'mon. Spill it. You can tell me.. H'wag mong sarilinin ang problema, nakakabaliw 'yan."

Muling napabuga ng hangin si Alayne.

"Never pa niyang sinabi sa akin na mahal niya 'ko. Pero kahit ganun, pinaparamdam naman niya sa akin kahit papaano... Okay naman ako 'dun lalo na naiintindihan ko na hindi naman kaagad siya makakamove on sa 2-year boyfriend niya. But it's been months. And now, it's eating me up... Alam mo 'yung feeling na kapag sinasabihan ko siyang mahal ko siya, walang sagot. It's either she'll just smile at me or kiss me... At habang tumatagal, nararamdaman ko na 'yung sakit..." wika ni Alayne at itinuon ang tingin sa camera. "I never expected that saying I love you can be this painful."

Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nila pagkatapos.

"Pinaparamdam niya sa'yo na mahalaga ka sa kaniya pero hindi naman niya sinasabi na mahal ka niya?... Hmm... Alam mo sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang trip ng jowa mo. Sorry, a. Saka hindi ko maisip kung bakit pa rin siya nagho-hold back. Kase tingnan mo, nakipagbreak siya sa ex niya para sa'yo pero hindi ka niya kayang mahalin ng buong-buo hanggang ngayon. Hindi mo ba siya tinatanong?"

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon