Chapter 42
The genius setter with a steel cannon arm. The MVP. The ace.
As she soars high to hit the ball, Alayne takes a glimpse of her glory days in volleyball two years ago.
This cannon serve...she's used to do this. This serve was her favorite...her weapon...and she won championships with it.
At ito ang namiss niya, ang gawin ang isang bagay na pinakamamahal niya nang walang anumang restrictions.
Ramdam ni Alayne ang pagyupi ng bola nang tamaan niya. Halos mag-echo pa sa buong arena ang lagapak ng palad niya sa bola. Bumulusok pa ito nang napakalakas at napakabilis na halos pumunit sa hangin.
At sinundan 'yun nang nakabibinging hiyawan at selebrasyon sa buong arena.
.
.
.
Ngunit wala roon ang atensiyon niya. At wala siyang ibang naririnig kundi ang mahinang echo ng pagtalbog ng bola sa taraflex habang unti-unting gumagapang at nanunuot ang lamig sa buo niyang katawan.
Her serve was perfect...It had the force and the spin that even the most skilled libero can't decently receive.
It was almost perfect...but the angle was too low.
The ball just went straight to the net.
Her greatest weapon just failed her.
.
.
.
Naikuyom ni Alayne ang nanginginig na mga kamao. Hindi niya matanggap ang nangyari. Pumalpak siya sa oras na kailangang-kailangan niyang pumuntos.
Masakit sa kaniya ang matalo ang team dahil sa kaniya. Pero mas masakit ang katotohanan na binigo niya si Reese at hindi niya natupad ang pangako niya rito.
Naramdaman ni Alayne na may tumapik sa balikat niya bago siya lagpasan. Si Seyer.
Now, she has all the reason para awayin siya at sumbatan. Pati ang buong team. Inaasahan na niyang galit ang mga ito sa kaniya at sinisisi siya sa nangyari.
Sumunod si Alayne sa mga teammates para makipagkamay sa Manila U sa net bilang pagpapakita ng sportmanship.
Bakas sa mukha ni Ashley ang sobrang kasiyahan nang magkamay silang dalawa. Ngiting-ngiti ito samantalang siya ay halos hindi maibuka ang bibig para kahit man lang magbitaw ng isang salita.
"T'was a great game, loser. Ulitin natin 'to sa UAAP," wika nito at sumilay ang mapang-asar na ngiti.
Ginatungan pa 'yun ni Reign Laurente na kasunod ni Ashley. "Ikaw talaga 'yun, De Marco, e! Ikaw ang nagpapanalo sa amin kaya ikaw dapat ang MVP!" anito na sinabayan pa ng tawang nakakaloko. "Deserve na deserve mo 'yung MVP award o 'di kaya special award like...Best Choker of the Year or Patalo of the Year!"
Nagtawanan ang mga ito samantalang nanatiling tahimik ang buong Salvatore. Tipid lang na ngumiti ang iba at hindi na pumatol.
Pagkatapos nilang bumati at magpakita ng respeto sa coaching staff ng Manila U ay pumunta sila sa gitna ng court at bumuo ng bilog. Nagbow sila sa isa't isa at saka sila nagpasalamat sa kanilang mga supporters.
Then nagpatiuna na si Alayne pabalik ng dugout. Masyado niyang sinisisi ang sarili at hindi niya kayang tingnan sa mata ang mga teammates at coaches pati na rin ang mga taga-Salvatore na sumuporta sa kanila. Hindi niya kayang tingnan ang pagkadismaya ng mga ito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...