Chapter 73
"Love, we're here," narinig niyang wika ni Reese na ikinapitlag niya.
Nakapangalumbaba lang siya at nakatanaw sa labas ng bintana at kung hindi pa nagsalita si Reese ay hindi pa niya mamamalayan na nasa tapat na pala sila ng bahay nila.
"I'm sorry. Napagod lang," aniya.
Tinanggal nito ang pagkakakabit ng seat belt pagkatapos ay humarap sa kaniya. Marahan nitong idinantay ang kamay sa pisngi niya at humaplos doon. "Wanna talk about it?"
"A-About what?"
"You're spacing out. Kanina pa. Is something bothering you?"
Umiling siya. Hinuli niya ang kamay nito at hinalikan. "Nothing."
"You sure?"
"Yeah. It's nothing...really. I guess I'm just really exhausted."
"Okay." Alam niyang hindi ito kumbinsido.
"Then better go inside na para makapagpahinga ka," anito. "May game pa tayo bukas."
"Ikaw din. Magpahinga ka na kaagad kapag nakarating ka sa inyo. Thanks for the ride, by the way."
Inilapit niya rito ang sarili at saka masuyong ginawaran ng halik ang mga labi nito.
"I love you. Mag-ingat ka pag-uwi."
"I love you too. Sige na pumasok ka na. Aalis ako kapag nakapasok ka na."
Muli niya itong hinalikan bago siya bumaba. Kumaway pa siya rito bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
.
.
.
Ibinagsak niya ang katawan pagpasok niya ng kuwarto at chineck ang phone. May messages siya galing kina Audie. Sinabi nito na ibinigay nila ang number niya kay Francheska nang hingin nito 'yun. Tiklop ang mga ito pagdating sa Captain nila kaya tiyak niyang hindi nakapalag ang mga ito.
Anyway, wala namang problema sa kaniya kung makuha man ni Cheska ang contact number niya. Gusto rin naman niya itong makausap lalo't marami siyang gustong itanong at i-clarify rito. Ngunit hindi na sila nagkaroon pa ng pagkakataon kanina dahil nagmamadali na ito at may importante pang appointment na pupuntahan.
Isa pa, kasama niya si Reese...
Nakagat niya ang pang-ibaba niyang labi. Alam niyang kailangan niyang magpaliwanag kay Reese tungkol sa mga naging kilos niya kanina...lalo na ang tungkol kay Cheska. Ngunit maisip pa lang niya ay parang nakakaramdam na siya ng takot.
"Tch."
Bumangon siya at inihanda ang bathtub. She needs to calm her nerves for now. Hindi makakatulong ang pag-o-overthink niya sa mga bagay-bagay ngayon.
***
Game Day
Semi-finals.
ADMU vs SU
Ateneo with a twice to beat advantage.
Napangiti si Reese nang makita na relax ang players habang nag-i-stretching sa labas ng dug out. Walang bakas ng kaba sa mga ito. Imbes ay nagtatawanan pa ang mga ito at nagkakabiruan na akala mo ay hindi do or die ang game nila mamaya against Ateneo De Manila.
Ngunit hindi na siya nagtataka. Nakakawala naman kasi ng kaba kung nariyan si Alayne at muli nang maglalaro.
Kahit siya ay na-e-excite sa muli nitong pagbabalik sa court.
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...