Chapter 63
“Alayne, ang tagal mong hindi bumisita, ah!” sabi ng manager ng bar kung saan siya nagsa-sideline noon.
Dito siya dinala ng mga paa niya para saglit na 'makahinga' at mag-unwind.
“Sorry, medyo nabusy sa acads saka sa games,” nakangiting sagot ni Alayne.
“Tingin ko nga. Infairness, nakapanood ako one time ng UAAP, nung game mo. Ang galing-galing mo maglaro! Pwede mo nang buhatin ang team Pilipinas sa SEA Games, o kaya Olympics!” tuwang-tuwa na sabi nito.
Ngumiti si Alayne at sinakyan ang mood ng manager, “Not impossible,” aniya at natawa na rin. “By the way, where's Carmela and the band? Nag-iba na ba ang sched nila?”
Medyo nawala ang ngiti sa mga labi ng manager.
Bahagya itong lumapit kay Alayne at bumulong.
“Hindi mo ba nabalitaan?”
Umiling si Alayne. “Nope.”
“Well, sa isa nilang gig, nahulihan sila ng drugs at nakulong.”
Umawang ang bibig ni Alayne at nanlaki ang mga mata sa balita. Hindi lingid sa kaalaman niya na nagda-drugs nga ang banda lalo na si Carmela. Sa katunayan pinasubok siya nito ng ilang beses pero mabuti na lang at naagapan niya ang sarili at 'di nalulong. Ayaw na niyang bumalik sa rehab. Hindi naman naging problema sa mga ito ang pagtanggi niya.
“Ang sabi ay nakapag-bail na sila, but I'm not sure. I also don't know their whereabouts, lie low muna sila sa ngayon if ever ngang nakalabas na sila.”
Tumango-tango si Alayne. “I wish they're fine...”
“Yeah. By the way, ano ba ang gusto mong kainin o inumin? Want some cocktail? Name it,” anito.
“Free ba?” biro ni Alayne pero pinatulan nung manager.
“Sure, but in one condition...”
“Spill it.”
“I request na magperform ka tonight. Kahit ilang kanta lang. Nakakamiss na 'yung boses mo. ”
“Easy-peasy, boss, 'yun lang pala, e. Sige, call.”
***
Nadatnan niya ang Kuya niyang nag-aalmusal pagbaba niya. Bitbit na niya ang duffel bag at paalis na para sa morning practice.
“‘Di ka muna mag-almusal?”
“Nah. I’ll just grab a coffee...” ani Alayne at inasikaso ang sarili. Nagsalin siya ng brewed coffee sa disposable coffee cup. “...And a bread,” wika pa niya at kumuha ng isang pandesal.
“Bye, Bro!” paalam niya sa Kuya niya na naiwan na lang na napapailing.
.
.
.
“Aldyyy Marckyyy!” ang nakatutulig na salubong ni Penelope nang makita siyang papalapit.
Iniwan pa nito ang pag-ma-mop para takbuhin siya.
“Sige, lapit, sisipain kita,” banta niya.
“Whaaa! Nagbalik na si Alayne namin! Pero ayos ka na ba?”
“Pupunta ba ako rito kung hindi?” aniya at iwinagayway ang medical certificate. “Si Coach?” tanong pa niya habang iginagala ang tingin.
“Wala pa ‘yung baby mo!” malakas na wika ni Penelope pero agad niya itong inangilan lalo’t napalingon sa gawi nila ang mahaderang si Coach Ruales.
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...