Chapter 52
Sa magkasunod na laban ng Salvatore laban sa Adamson, National University at Far Eastern University, ay muntik nang matalo ang team. Umabot sa 5 sets ang laban kung saan dikit na dikit ang score. Kung hindi lang pumanig ang swerte sa kanila ay baka natalo na sila.
Hindi alam ni Reese kung saan siya humugot ng pagpipigil sa mga games na 'yun para hindi sipain si Fiona Ruales dahil sa mali-maling desisyon nito. Parang hindi ito coach kung mag-isip, narito ang maling shuffle ng players o substitutions at wala sa timing na mga time outs na sumira mismo sa play at momentum ng players.
Alayne on the other hand saved the team as she always does. Pero tingin ni Reese ay hindi ito makapag-all out dahil sa mga adjustments na pinaggagawa ni Ruales. Actually, hindi lang si Alayne kung hindi ang ibang players din na pinakialaman ni Ruales ang natural position.
Reese knew her team well at ang performance ng mga ito in the last games ay malayo pa sa totoong potential ng mga ito.
.
.
.
Tiningnan ni Reese ang Lady Tigresses ng University of Sto. Tomas na siyang kalaban nila ngayon. They're one of the powerhouses of UAAP, a team to beat.
Mas isang talo man ang UST ngayon pero mula 'yun sa isang formidable opponent—the last year's champions, the Ateneo Lady Eagles.
Dahil galing sa pagkatalo kaya alam ni Reese na gigil ang UST ngayon na manalo. At sa panig naman ng Salvatore, kung ganun pa rin ng laro ng mga ito tulad ng last games, malamang sa malamang ay hindi ito uubra sa UST.
Samantala…
Itinuon ni Alayne ang tingin sa Laurel sisters at sa setter ng UST, si Nicar. Reese told her about these players na kailangan niyang bantayan dahil talagang mapapalaban daw siya sa mga ito.
Sa kabilang banda, mas natuon ang atensiyon ni Alayne sa isa ring Italyana sa UST team, si Alessandrino. Ang sabi nila ay hindi ito masyadong nakapaglaro for the last two seasons of UAAP dahil sa injury pero ngayon ay fully recovered na raw ito.
Titig na titig ito sa kaniya at hindi niya matukoy kung kilala siya nito. At nagbigay 'yun ng kaba sa kaniya.
.
.
Nag-umpisa ang game at agad na nagpakawala ng mga pamatay na atake ang UST na pinangunahan ng Laurel sisters. Hindi makasabay ang blockers at floor defense ng Salvatore sa lakas at bilis na ipinapamalas ng mga ito.
Kaya naman hindi na nagtaka ang mga manonood na anim na kaagad ang lamang ng UST sa Salvatore sa umpisa pa lang ng game.
“Go, USTe! Go, USTe!” maagang cheer ng mg supporters ng UST.
Hindi naman nagpatalo ang supporters ng Salvatore at nagcheer din sa abot ng kanilang makakaya.
Samantala, matapos ang ilang rotation ay nagtapat na rin sa net si Alayne at si Lena Alessandrino.
“Ira… The Ace… The MVP… The Genius Setter…The Magician…” anas ni Alessandrino dahilan para balutin ng kaba si Alayne.
“It's nice to see you playing again…” wika pa nito sa wikang Italyano. “But I would be glad if I see you play in your hundred percent…”
“I don't know what you're talking about…”
“Hmm…you're afraid 'coz I know your secret… But you don't need to worry…wala akong planong sabihin sa iba kahit sa teammates ko…”
“Grazie…” pasalamat niya rito. Sabagay naman kasi, kung sinabi nito noon pa man nang makita siya, dapat ay kumalat na ang balitang 'yun.
Ngumiti ito sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...