Chapter 8
"End of volleyball career for Ira De Marco..."
"Banned from universities and all volleyball league in Italy..."
"The Mad Genius of Volleyball..."
"She fuckingly deserves it!"
"Ira De Marco deserves hell! Vai all'inferno!"
"Cazzo si! Cazzo di merda!!!"
"She deserved to die!!!"
Itinodo ni Alayne ang volume ng music sa sasakyan ngunit umaalingawngaw pa rin sa isipan niya ang mga sigaw na 'yon. Dinig na dinig pa rin niya ang mga 'yon. Nakapaskil pa rin sa isipan niya ang galit ng mga taong minsang naging tagahanga niya ngunit ngayon ay sukdulan na ang galit sa kaniya.
She was getting bashed not only in social media but also everywhere. Every one in Italian volleyball hates her. She lost her friends...she lost everyone...
Ininom na niya ang pinakamatapang na alak at sumubok na rin siya ng pinakamatapang na droga pero hindi pa rin mawala ang sakit na nararamdaman niya dahil sa mga nangyari. Gusto man niyang kalimutan ang lahat pero hindi niya magawa.
Sa mga nakalipas na buwan, hindi niya alam kung paano niya nakayanan lahat ng hate comments at death threats sa buhay niya pati na rin ang pagtalikod ng mga taong minsang naging mahalagang bahagi ng buhay niya.
But now, she thinks she had enough... She's already at her limit and she can no longer take it.
Tinanggal niya ang pagkakakabit ng seatbelt sa kaniya. Humigpit ang hawak niya sa manibela at dumiin ang pagkakatapak niya sa gas pedal. Hindi na niya alintana kung pabilis nang pabilis ang pagmamaneho niya o kung paliparin man niya ang sasakyan. Hindi na rin siya nag-abalang punasan ang mga luha na kanina pa naglalandas sa mga mata niya kahit nagiging dahilan 'yon ng panlalabo ng mga mata niya. Wala na siyang pakialam. Buo na ang loob niya.
All she wanted is to end these shits right now...at this very moment!
.
.
.
"Cazzata! (Bullshit!)" sigaw ni Alayne nang magising siya mula sa bangungot na 'yon. Pawisan at habol ang hiningang umupo siya sa gilid ng kama.
Inihilamos niya ang mga kamay sa mukha at halos sabunutan na ang sarili. She dreamt of that night again...the night when she lost all her light and hope and tried to kill herself. Pero mukhang hindi pa rin nauubos ang swerte niya nung araw na 'yon. Nakaligtas pa rin siya kahit halos nagkayupi-yupi ang sasakyan niya dahil sa pagpagulong-gulong nito nang mawalan siya ng kontrol at saka bumangga sa isang poste.
Nagtamo siya ng mga malalaking pasa at ilang bali sa katawan ngunit wala sa mga' yon ang naging seryoso. Ang pinakamalala lang niyang natamo ay ang head injury na naging dahilan kung bakit sobrang labo ng paningin niya ngayon. Liban do'n ay wala na.
Kinapa ni Alayne ang eyeglasses sa side table saka hinagilap sa drawer ang pouch kung saan niya tinatago ang sigarilyo ang lighter niya. Pagkatapos ay nagtungo kusina para kumuha ng bote ng beer saka dumiretso sa balcony.
Bumabalik na naman sa kaniya ang nakaraan pero hindi tulad dati, kaya na niyang iwaksi ang mga 'yon kahit na papaano. All she needed is a cigarette and a bottle of beer to calm her nerves. Kung dati ay may kasamang droga, ngayon ay wala na. Hindi na niya gustong muli siyang ipasok ni Rafael sa rehab para muli siyang tumino.
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...