Chapter 13

8.9K 350 59
                                    

Chapter 13


"Ba't 'di ka na lang kasi gumawa ng social media accounts mo para ikaw na ang makipag-communicate?" sabi ni Penelope habang nagta-type sa laptop. Kanina pa siya kinukulit nito pero bandang huli pinagbigyan din niya si Alayne sa utos nito na i-message si CielLockeHolmes para i-delete ang video na pinost nito. Vacant period nila at sa library sila nakatambay habang hinihintay ang next subject.

Medyo napalakas ang pagkakasabing 'yun ni Penelope kaya naman sinaway sila ng librarian.

"Sorry po," ani Penelope sa Librarian.

"Tsk. Basta," pabulong na sagot ni Alayne. "Just message whoever that Ciel-whatsoever is."

"Here, check mo bago ko i-send," sabi ni Penelope pagdaka. Hinarap nito ang laptop kay Alayne.

"Tss. Masyado kang mabait," sabi ni Alayne at dinilete lahat ang tinype ni Penelope saka nagtype ng panibago.

"Huy!"

"Silence!" muling saway ng Librarian. Muli namang humingi ng paumanhin si Penelope.

Lumapit si Penelope kay Alayne at bumulong, "Ano ba kase ang gusto mong—"

'Please delete this goddamn video, CielLockeHolmes! You don't have any right to post any of my video without my goddamn consent! – Alayne.'

"Huy, seryoso ka?" maang na tanong ni Penelope. Sinubukan niyang pigilan si Alayne pero napindot na nito ang send. "Gaga ka, paano kung magalit 'yun at lalong ipakalat ang video mo?"

"Shhh! Silence!" sabi ng Librarian habang matalim na nakatingin sa dalawa.

"Just tell me kung magreply siya," sabi ni Alayne saka kinuha ang bag at walang sabi-sabing lumabas library.

"Alayne, wait!" piping sigaw ni Penelope dahil baka mabulyawan na siya ng Librarian. Minadali niyang inayos ang mga gamit saka hinabol si Alayne.

Samantala, pagkalabas ng library ni Alayne ay naghanap siya ng vacant room saka doon tumambay. Pumuwesto siya sa malapit sa bintana saka inilabas ang laptop at ini-connect sa wifi ng school.

Ayaw niyang gumawa uli ng kahit na anong social media accounts pero mukhang mapipilitan siya ngayon.

'Shit talaga! Paano kung may iba pa pala akong video o photo na nakapost sa internet?'

Napag-isip-isip niya ang sinabi ni Penelope kanina.

She doesn't wanna get left behind.

Pagkatapos gumawa ng email ay isinunod niyang magsign up sa Facebook, Twitter, Instagram at pati na rin sa Youtube. Lahat 'yun ay may na name na Aldy Marco.

Nang itatype niya ang bio ay saglit siyang napaisip. Then saka niya itinype... A unicorn that's in love with a dragon.

Hindi na siya naglagay pa ng mga confidential info. Kahit ang profile pic niya ay ang idinownload niyang unicorn image sa Google.

"Tch. Pwede na 'yan," bulong niya sa sarili.

Nang matapos gumawa ng account ay nagsend siya ng message kay CielLockeHolmes. This time ay medyo matino ang message niya. Habang naghihintay ng email ay pumunta muna siya Facebook at sumali sa FB Group ng Lady Smashers. Pagkatapos ay naisip niyang hanapin ang mga accounts ni Reese.

Napangiti siya nang makita niya ang official account nito na may blue badge. Ang iba kasing results ay dummy o poser.

Napansin niyang mas active ito sa IG kaya pinili niyang magbabad sa Instagram nito at tiningnan isa-isa ang mga posts nito. Finollow na rin niya ito. Sa million followers nito ay malamang na hindi naman siya nito mapapansin.

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon