Chapter 76
Isang linggo na lang bago ang UAAP Finals kaya naman puspusan na ang paghahanda ng Salvatore women's volleyball team para sa magaganap na game laban sa team ng Manila University. Ang isang beses na practice nila sa isang araw ay ginawang dalawang beses, isa sa alas kuwatro y medya ng umaga, at isa sa alas siyete ng gabi. Nagbigay rin ng konsiderasyon ang ibang professors na bigyan ng excuse ang players sa mga klase para makapagfocus sa practice.
"Guys, gusto ko na mag-sophomore, pagod na akong mag-mop before and after ng practice. Ayoko na! Huhu!" angal ni Penelope habang kasama ang ibang rookies sa paglilinis. Usually, mas maaga dapat ang dating nila sa practice para makapaglinis ng court at maikabit ang net. "Masyado na nilang inaalila ang rookies!"
"Ganern talaga! 'Yaan mo na, ganti na lang tayo sa rookies next year," sabi naman ni Ayla sabay tawa.
"Talaga! Kailangan nating pahirapan ang rookies next year―Pota! Ano ba?!" gulat na sabi ni Penelope dahil bigla siyang sumubsob sa sahig nang mabangga ni Alayne. Naghahabulan at nakikipag-eskrimahan na pala ito ng mop kay Seyer.
"Shuta! Pinaggagawa niyo, mga animal 'to!" saway ni Ayla sa dalawa. Pumagitna ito para maawat ang dalawa.
"Nag-aaway na naman kayong dalawa?!"
"Tangina kasi ni De Marco, e! Tapak-tapakan ba naman doon sa kakatapos ko lang i-mop! Kairita!"
"Eh, saan ako dadaan?" angil ni Alayne. "Anong gusto mo, lumipad ako? Parang tanga lang 'to!"
Sasagot pa sana si Seyer pero may dalawang bola na lumipad papunta sa direksiyon nila.
Sapul silang dalawa ni Alayne sa ulo.
"Pucha―/The fuck―!" magkapanabay na wika ng dalawa ngunit pareho silang natigilan nang makita kung sino ang bumato. Nagbago agad ang reaksiyon ng mga ito at tila naging maamong mga tupa.
"Good morning, Coach! Aga po natin ngayon ah," napapakamot sa batok na wika ni Seyer.
"Good morning, Coachzilla! Aga nating bumuga ng apoy ah!" pagbibiro ni Alayne pero matalim siyang tinapunan ni Reese ng tingin kaya agad din siyang tumahimik.
"Immature brats! Bilisan niyo na riyan para makapag-umpisa na tayo!" nakapameywang na sabi ni Reese sa team bago kausapin si Alessa na kakarating pa lang.
"O loko! Tameme kayo, 'noh?" pambubuska ni Penelope sabay sipa sa hita ni Alayne bilang ganti sa pambabangga nito sa kaniya kanina. "Walang jowa-jowa, 'noh?"
"Tch! Punggok! Ikaw gawin kong mop dyan, e!"
***
Pagkatapos ng practice ay pinag-shower ni Reese ang team at pinagbihis ng jersey uniform nila dahil mayamaya ay may darating na media para sa shoot ng promotion materials ng nalalapit na UAAP Finals.
"Coachzilla, pwede bang hindi ako sumali sa shoot na 'yan?" wika ni Alayne nang lapitan niya si Reese. Ang iba niyang ka-team ay nagpunta na sa locker room para magprepare.
"Bakit naman?" nakataas ang kilay na sagot ni Reese. Inabutan niya si Alayne ng hot chocolate at pancakes na nasa styro. Provided na ng coaches ang breakfast ng team sa morning practices. Ganoon din ang dinner sa gabi. "Magbreakfast ka muna."
"Ayoko lang ng exposure."
Muntik nang matawa si Reese sa naging sagot ni Alayne. Bigla namang nagsalubong ang kilay ng huli.
"Seriously, Al? Ngayon mo pa talaga ayaw ng exposure? After all the scandals, controversies, and trending photos and videos of you circulating online?"
Napabuga ng hangin si Alayne. "Can't I really say no?" Umupo siya sa may bakanteng table at binuksan ang styro. Inalok niya si Reese ngunit mamaya na ang isinagot nito.
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...