Chapter 79

10.5K 363 44
                                    

Chapter 79



"Therese! Hanggang dito ba naman?" ani Lissa nang madatnan siya nitong pinanonood sa Ipad ang replay ng Finals Game 2 dahil baka may detalye pa siyang na-missed out. Kakagaling lang nito sa washroom ng bar kung saan ito nag-aya this Friday night para mag-unwind. Ayaw niya sanang sumama dahil busy siya ngunit mapilit ito. "Girl, pang-ilang beses mo na 'yan, a! Hindi pa puwedeng magbreak ka muna kahit dalawang oras, at mag-enjoy at mag-relax muna rito?"

"I don't have the luxury to enjoy and relax tonight, Melissa! You know that! Sa Sunday na ang Game 3, and I need to be mf prepared!" mariin niyang wika at muling nakaramdam ng gigil nang maalala ang nangyari sa Game 2. Natalo lang naman sila ng MU in 3-1 sets.

Salvatore University was overpowered and crushed by Manila U. In other words, they were massacred.

Though nakuha nila ang set 3 dahil nagawa niyang i-counter ang plays or plans ni Francheska ngunit hindi siya umubra sa 4th set. Hindi rin naging ganoon kapulido ang execution ng team dahil wala si Alayne, which is really a big factor to the team.

Lalo pa siyang nanggigil nang maalala kung paano siya ngisihan at maliitin ng mga tingin ni Francheska pagkatapos ng game. Iniisip na lang niya ang ginawa niyang pagsampal dito sa ospital, pampalubag-loob.

"O, siya! Bahala ka kung ano ang trip mo dyan basta tulungan mo akong ubusin 'yung mga inorder ko," sabi na lang ni Lissa.

Sasagot sana siya ng oo ngunit nanlaki ang mga mata niya nang dumating ang waiter at ilapag ang mga inorder ni Lissa―isang cocktail tower, sisig, inihaw na pusit, barbecue, liempo, nachos, at may pizza pa.

"Bibitayin ka bang babae ka?" aniya at pinandilatan ito. "Andami nito tas dalawa lang tayo!"

"Tigil-tigilan mo 'ko nga ako, Therese. Maka-asta kang shookt dyan. Ganito naman tayo lumafang dati, a!"

She just rolled her eyes. "Bahala ka, basta ikaw ang magbayad niyan."

"Gaga, hati tayo! Pwede rin kung libre mo, ikaw naman 'tong yayamanin sa 'tin, e!"

"Timang! Ikaw ang nagyaya kaya ikaw ang manlibre."

May sasabihin pa sana si Lissa ngunit pareho silang natahimik nang mag-ring ang phone niya.

Alayne De Patahto calling...

"Ow?"

Bago niya marinig ang sagot ni Alayne ay una niyang narinig ang komento ni Lissa. "Ayos, a! Ow lang talaga? Tropa lang, gurl? Wala bang, 'Hi, baby!' dyan na may kaunting lambing?"

Sinipa niya ang binti nito para tumahimik.

"Hey, Love. Sorry sa interruption, ano nga uli 'yung sinabi mo?"

"I said I called you dahil bigla ko lang na-miss boses mo," sagot ni Alayne na ikinangiti niya.

"Agad agad?"

Tumawa lang ito. Then napansin niyang medyo maingay ang background nito.

"Wala ka sa inyo, 'no? Asan ka?"

"Sa bar, suma-sideline."

"Seriously, Al, imbes na ipahinga mo na lang 'yang tuhod mo, e, naglakwatsa ka pa," sermon niya rito.

"Excuse me, 'di po ako naglalakwatsa lang..."

"E, ano?!"

"Lakwatsa with a purpose!" sagot sabay tawa.

"Tsk."

"Anyway, don't worry. I fine na. Hindi na sumasakit ang tuhod ko. Isa pa, I'm bored, e! Saka sayang din 'yung iraraket ko ngayon. Pambili ko rin 'to ng materials para sa project ko next week."

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon