Chapter 9

10.3K 413 110
                                    

Chapter 9


"Dito ka ba sa bahay mag-i-stay ngayong weekends?" tanong ni Rafael kay Alayne habang kausap niya ito sa phone kinagabihan ng Biyernes.

"Nope. May pupuntahan ako tomorrow then magpapasalon ako sa Sunday. Though baka dumaan na lang ako d'yan sa Sunday ng gabi for dinner," sagot ni Alayne habang nakaharap sa salamin at sinisipat ang buhok. Medyo mahaba na ito at kailangan na niyang paputulan. Isa pa, gusto niya uli itong pakulayan ng ibang kulay naman.

"Sige, I'll see you on Sunday. Mag-iingat ka kung saan man 'yang gala mo."

"Yeah. Thanks, bro!"

"By the way, may pasok ka ba ng Wednesday afternoon?"

"Nope. Umaga lang ang pasok ko kada Wed. Volleyball practice lang sa hapon."

"A, okay. Well, I want to inform you na may ishoshoot na bagong commercial sa bagong gear at sport shoes na irerelease ang company na kasosyo namin..." Ibinitin ni Rafael ang sasabihin pero kahit gano'n ay alam na ni Alayne ang gusto nitong ipahiwatig kaya naman ang lapad ng pagkakangiti niya ngayon.

"You know I won't say no," maagap na sagot ni Alayne.

Well, ang Kuya Rafael lang naman niya ang may ari ng ilang sport outlets na nagkalat sa mga malls sa Pilipinas, ang D-Marc, na inumpisahan niya sa Italy at ini-extend dito sa Pilipinas. Ang D-Marc din ang distributor ng ilang naglalakihang sports brand sa buong mundo. At his age, Rafael is really that successful. No wonder na para lang siya nitong binilhan ng damit na bigyan siya nito ng condo.

Rafael wants her to take the shots or be the director of the commercial. Ilang beses na rin niya 'yong ginawa sa sports company na hinahawakan ng Kuya niya para practice na rin daw sa kaniya...na magiging isang future director. Minsan pa nga'y ni-rerefer siya nito sa mga kaibigan at ibang kasosyo sa mga commercial shootings at ilang photoshoots. Kung tutuusin, 'pag dating sa skills, kayang-kaya na niyang makipagsabayan sa mga professional. 'Yung pag-aaral niya ay for formality na lang.

Walang problema sa kaniyang magtrabaho sa likod ng camera, pero kung nasa harap na at siya na ang kinukunan, ibang usapan na 'yun. Magkakamatayan na.

"Good! Check your email later. Ifo-forward ko sa'yo ang confirmation ng sched at 'yung mga details para mapag-aralan mo na."

"Oks! Thanks, bro!"

Pagkatapos nilang mag-usap na magkapatid ay itinuloy ni Alayne ang pag-iimpake. Balak niyang mag-dayhike sa Batulao sa Nasugbu, Batangas bukas.

Pero 'di nagtagal ay nagri-ring na naman ang phone niya.

Carmela calling...

Napabuntong-hininga si Alayne. Kasamahan niya ito sa resto-bar kung saan siya nagsa-sideline nung mga walwal days pa niya. Vocalist ito ng bandang nagpi-perform sa resto-bar. Hindi na siya masyadong nakakapunta do'n mula nang maging abala siya sa eskwela. Paminsan-minsan na lang kapag may oras o sa mga panahong naalala niya ang nakaraan at gusto niyang makalimot.

Sinagot niya ang tawag. "Hey."

"I hate you! Hindi ka na nagpapakita!"

"Alam mong may pasok na ako," aniya. Hindi naman ito outdated sa kaniya. Inabisuhan na niya ang banda pati na rin ang manager ng resto-bar na magiging madalang na ang pagpunta niya at wala namang problema sa mga ito. Welcome pa rin siya sa resto-bar as bartender or co-vocalist ng banda paminsan-minsan.

"Yeah. Yeah. Fine. By the way, may gig tayo out of town, baka pwede ka." Sinabi nito ang sched.

"I don't know. I'll check my sched pa."

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon