Chapter 26
"Ay wow! Iba! Nag-level up na si ate mo gurl!" sabi ni Penelope kay Alayne nang may mangilan-ngilang bumabati rito habang naglalakad sila sa lobby papuntang library para tumambay. "May fans ka na!"
"So?"
"So? E, 'di sikat ka na!"
"I don't care."
"Ay oo nga pala. Normal na nga pala sa'yo ang ganiyan. Olympian ba naman kasi, e!"
"Shut up!"
Pagpasok nila ng library ay agad silang pinandilatan ng librarian at sinabihang h'wag mag-ingay.
Pigil na tumawa si Penelope nang lagpasan nila ang librarian. "Kilala na tayo ni Madam, besh!"
"Sa ingay mo ba naman kasi, e!"
"Sshh!" sutsot sa kanila ng librarian at matalim na nakatingin sa kanila.
"Sorry po," wika ni Penelope pero 'di mapigil ang paghagikhik.
"Poppy, shut up! Mamaya palabasin na naman tayo nito, e!"
"E, sa 'di ko mapigilan, e!" sabi ni Penelope.
Pumuwesto silang dalawa sa bandang dulo kung saan 'di abot ng tanaw ng librarian. Then kumuha si Penelope ng libro sa katabing shelf para kunyari ay nagbabasa. Samantalang si Alayne ay inilabas ang journal at fountain pen at nagdoodle.
"Uy, problema mo pala? Kanina ka pa bumubuntong-hininga dyan. Pati kanina sa klase, parang wala ka sa sarili. Sorry, hindi pala 'parang' dahil wala ka talaga sa sarili kanina," sabi ni Penelope at tumawa na naman nang may maalala. "Tinatawag ka lang kanina ni Sir for attendance, bigla ba namang pumunta sa white board at sinagutan 'yung assignment. Mabuti sana kung same subject, e, pero hindi, e. Nasa Socio tayo kanina tas Math inaatupag. Bangag ampota. Hahaha!"
Pumunit ng papel si Alayne sa notebook saka nilamukos at ibinato kay Penelope. Nang makaiwas ang huli ay sinipa na lang niya ito sa ilalim ng lamesa. "H'wag mo nang ipaalala kaya!" pigil na singhal ni Alayne. Naghahalo ang pagkainis at pagkapahiya niya sa nagawa niya kanina.
"Aray ko naman! Parang troso 'yang binti at paa mo, isisipa mo sa'kin! Sa liit kong 'to!"
"Tumahimik ka na kasi!"
"Pero ano bang nangyayari sa'yo at bangag na bangag ka?"
Hindi kaagad nakasagot si Alayne pero 'di nagtagal ay nagsabi rin siya kay Penelope.
"Well it's about this girl...woman to be exact..."
"Putcha, babae lang pala!" Napalakas ang pagkakasabi nun ni Penelope kaya napatingin sa kanila ang kabilang table.
"Poppy!" banta ni Alayne.
"Sorry na! Na-shookt lang. So sino ba 'yan? Si Seyer ba?" medyo pabulong na wika ni Penelope.
"Eww! Kadiri ka!"
"Haha! Joke lang! 'Yan ba yung kapatid ni Coach Reese? Si Ciel?"
Umiling si Alayne. "Nope. Ciel and I are just friends."
"Weh? 'Di nga?"
"Oo nga. She's just nice and sweet...but no serious feelings involved."
"Sa part mo siguro, ganun, pero si Ciel, baka naman may gusto sa'yo kaya ganern!"
Nagkibit-balikat si Alayne. "I dunno."
"Anyway, kung hindi si Ciel 'yun, e, sino?"
"I can't tell for now..."
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...