Chapter 1

15.5K 445 81
                                    

Chapter 1


2 years later...

"For the past 2 years, you did an excellent job for being the head coach of Salvatore Women's Volleyball team, Coach Reese! Biruin mo, you almost made the most underdog team to the final 4! Napakasuwerte talaga namin nang pumayag kang maging head coach ng women's volleyball team."

Napangiti si Reese sa tinuran ng Dean. Tuwang-tuwa ito lalo't nagkaroon ng recognition ang university sa larangan ng sports dahil sa kaniya. At higit sa lahat, pagkatapos ng nakaraang season kung saan muntik nang makapasok sa Final 4 ang SWVT, dumagsa ang mga sponsors para suportahan ang sports team ng univeristy.

"Thank you so much, Ma'am! Makakaasa po kayong gagawin namin ang best namin. And sana this coming season ay makapasok na tayo sa final 4, at kung papalarin ay makapasok sa finals at maging champion."

"Everything is possible, Coach Reese. And if you need anything, h'wag ka lang mahiyang magsabi."

"Sure, Ma'am. Makakaasa po kayo. Salamat po uli."

Pagkalabas sa office ng Dean ay nawala ang ngiti sa mga labi ni Reese. Some may appreciate her performance and consider it as an achievement...but not for her. Ang hindi pagka-qualify ng kaniyang team sa Final 4 ay kabiguan na para sa kaniya. It's a failure she can't accept.

'If the team has only a good setter...' aniya sa sarili.

Gayunman, sa buwan na 'to ay recruitment at audition sa mga gustong maging player ng Salvatore, at umaasa siyang may magagaling na rookie na kayang punan ang kakulangan sa team.

Pagbalik ni Reese sa gym ay sinalubong siya ni Lissa na naging assistant coach ng Salvatore a year after niyang maging head coach. Napakalaking tulong nito sa kaniya lalo't former teammate niya ito nung college.

"Reese, the teams are all set. Distributed na rin ang mga magta-try out for a practice game."

"Okay, Lissa. Thanks."

Pumunta si Reese sa gitna at tinawag lahat ng players. Nagpakilala siya sa mga ito at nagspeech. Nagsabi lang siya ng maikling inspirational message pati na rin ng ilang detalye patungkol sa Salvatore's Women Volleyball Team. Liban pa roon ay nagsabi rin siya ng kaunting instruction bago simulan ang practice game.

"Okay, ladies, good luck!" aniya bilang pagtatapos ng kaniyang litanya.

Sumagot ang mga players na halatang kabado lalo't kaharap nila ang napakagaling at napakagandang head coach ngunit kilala rin sa pagiging sobrang istrikto pagdating sa paglalaro ng volleyball.

Pagkatapos ay tumabi si Reese sa mga assistant coaches para pag-aralan ang mga players sa practice game.

"What's the stats of the setters?" tanong ni Reese kay Lissa habang hindi inaalis atensiyon sa setter ng magkalabang team.

Binigay ni Lissa ang stats ng mga setters pero walang kumuha sa interes ni Reese lalo't hindi siya masyadong nai-impress sa ipinapakita ng mga ito.

Right now, isang magaling na setter ang kailangan ng team lalo't graduate na ang dati nilang setter.

Gayunman, sa dalawang setter na pinapanood niya ngayon ay nakapili na siya. Wala na rin kasi siyang pagpipilian. Nakikita naman niyang mahahasa naman ito 'pag nag-undergo sa puspusang training. Nakikitaan naman niya ang mga ito ng talent kaya walang problema.

Hiningi niya ang file ng setter kay Lissa.

Kylie Garcia. Graduate from Leyte National High School. Former team captain ng LNHS volleyball team at finals mvp though bench player sa Palarong Pambansa. May average 7 excellent sets at 4 digs.

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon