Chapter 70

10K 350 63
                                    

Chapter 70

"Oh! Andito ka? Gabing-gabi na at naisipan mo pang umuwi?" bungad ni Rafael kay Alayne nang dumating ito sa bahay pasado alas dose na ng gabi.

"Pwede bang dito muna ako, Kuya?"

Hindi nakaligtas kay Rafael ang pananamlay sa boses ng kapatid.

"Are you okay?"

Tumango si Alayne. "Yeah."

"May problema ka ba, Al?" ani Rafael. "Want to talk about it?"

"Not in the mood to discuss it, bro. Maybe next time. Gusto ko na munang magpahinga."

Pagkaakyat ni Alayne sa kuwarto ay agad niyang ibinagsak ang katawan sa kama.

Hindi siya makatulog sa condo kaya naisipan niyang umuwi rito pero mukhang ganoon pa rin.

She's still restless…

Kinuha niya ang phone at nagbukas ng social media na hindi naman niya masyadong ginagawa. Unang bumungad sa kaniya ang sabog na notifications ng chatbox ng team.

Binuksan niya ito at binasa ang messages na puro lang naman kulitan lalo na ng mga paandar ni Penelope. Gayunman, natagpuan na lang niya ang sariling nakangiti habang nagbabasa.

'Omg! Himala! Si De Marco online at nagseen sa gc!' nabasa niyang chat ni Penelope na agad namang sinundan ng iba pa.

"Mga baliw," aniya at nagreply ng sticker na nagroroll ng eyes.

'Owemji! Screenshot na dis! First chat ni De Marco!' ani Aila.

'De Marco, sama ka bukas ha! Labas daw tayo after ng game!' yaya ni Penelope.

'Bakit? Anong meron?' tanong niya

'Ala naman. Gusto lang gumala. Sama ka ha!'

'Sige,' tipid niyang sagot.

Maraming ganap nitong mga nakaraang araw at mukhang kailangan niyang lumabas para hindi naman siya masyadong nabuburyo. Para na rin maialis niya pansamantala ang isipan sa mga problema…maging kay Reese lalo at naroon pa rin ang guilt niya.

***

Madilim ang mukha ni Reese pagkatapos mapanood ang mga cctv footage. Hindi man direktang nahagip ng cctv ang eksaktong nangyari, sapat na ang mga nakita niya para magkaroon ng konklusiyon.

Base sa note na na-receive ni Alayne kasama ang cocktail drink, hindi maipagkakailang kabilang sa volleyball community ang nagdroga kay Alayne.

It can be the waitress na bench player ng MU lalo't ito lang ang nagserve ng order nila Alayne at Carmela. Ngunit alam niyang hindi lang ito ang involved.

At ang makita ang taong 'yun na nag-approach at bumulong sa waitress ang nagpatibay ng hinala niya.

And no, it's not Ashley Dela Vega. Rather, isang taong parte pa mismo ng kaniyang team.

The bitch, Fiona Ruales.

Alam niyang may tendency si Ruales na gumawa ng kabaliwan pero hindi niya akalaing aabot sa ganito.

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon