Chapter 46
Bago pumasok si Alayne sa Salvatore para ngayong bagong semester ay naabisuhan na siya ni Reese na marami nang nagbago pero wala naman na itong ibinigay pang mga detalye. Liban sa nabalitaan niyang wala na si Lissa sa team dahil muli na itong naglalaro ng volleyball para sa isang club team, ay wala na itong ibang sinabi.
Gayunman, tingin ni Alayne ay parang wala namang nagbago, pwera na lang sa bagong schedule ng practice. Ang dating morning practice nila ay ginawa ng hapon, maliban lang tuwing Wednesday at Saturday na madaling-araw pa rin.
"Uy, si De Marco! Bumalik na siya!" narinig ni Alayne na wika ng isang estudyante sa kasama nang makita siya sa gate pa lang.
And that information spread like wildfire not only in Salvatore but also in other universities' volleyball community.
Hindi lang 'yun, bigla pang nagtrend sa social media ay muli niyang pagpapakita lalo na ang bagong kulay ng buhok niya.
.
.
.
Samantala…
“You're all stupid! Again!” umaalingaw-ngaw na sigaw ni Fiona Ruales sa buong gym at muling pinaulit ang exercises na kanina pa nito pinapagawa.
“Ikaw, Flores! Napakabobo mo talaga! Kung ganiyan lang ang kaya mong gawin, mag-quit ka na lang! Punyeta!” singhal pa nito kay Penelope na kanina pa mangiyak-ngiyak na.
“Coach Fiona, I think that's too much!” wika ni Reese na hindi na nakatiis. Discouraging a player will never be a solution.
“Yan! Kaya nagiging tamad at bobo ang mga players dahil sa pangugunsinti mo! You're a dumb coach who can't even discipline the players!”
"What did you say?!" angil ni Reese na kulang na lang ay kuwelyuhan ang bagong head coach. Hindi siya natatakot kahit mas malaki ito sa kaniya.
Ang mga players na nanonood sa kanila ay kinakabahan na. Ngunit mabuti na lang at pumagitna ang conditioning coach na malakas ang loob at pinagaan ang tensiyon sa dalawa.
“Coaches naman. Nasa iisang team lang po tayo saka tayo ang nangunguna sa team. Sana naman po tayo ang unang makitaan ng teamwork. Ano po?”
Napailing si Reese at napabuga ng hangin pero kalaunan ay humingi rin ng paumanhin, pero hindi kay Fiona.
“Shitheads,” angil ni Fiona sabay talikod sa dalawa.
Binalingan nito ang mga players at muling sinigawan. “Ano pang tinatanga niyo riyan?! Balik na sa practice!”
“Y-Yes, Coach,” wika ng mga ito saka tumingin kay Reese na may pasasalamat dahil kahit papaano ay may kakampi sila.
Then muling nagresume ang practice.
.
.
.
“Pops!” sigaw ni Georgia para timbrehan si Penelope na kunin ang bola na ini-spike ni Seyer dahil kung hindi ay mapapagalitan na naman ito ng mahadera at nagmamaganda nilang head coach.
Pinilit ni Penelope na habulin ang bola pero masyado iyong mabilis para sa kaniya. Gayunman, pinilit pa rin niya 'yung makuha kaya naman nagdive na siya.
Ngunit wala siyang swerte ngayon dahil hindi pa rin niya nai-save ang bola.
“Pota naman!” inis niyang sabi habang nakadapa sa sahig.
Sa kabilang banda, bigla siyang natigilan nang makita ang pares ng pamilyar na rubber shoes sa harapan niya. Ang isa ay nakatapak pa sa bola na dapat ay isi-save niya.“Tanginaaaa!” sigaw ni Diane pero hindi na 'yun napansin ni Penelope dahil pagtingala niya ay nakita niya ang kulay burgundy na buhok at ang pagkakangisi sa mukha ng taong nasa harapan niya ngayon—ang kaibigan na namiss niya ng ilang buwan.
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...