Chapter 74
"This is Lovezilla's fault..." bulong ni Alayne sa sarili sabay hikab. Pang-ilang beses na niya ito. Antok na antok siya habang nasa gitna ng klase. Pa'no ba naman kasi, masyado siyang pinuyat ni Reese kagabi.
They made love with each other last night like there's no tomorrow. Anong oras na nga ba sila natapos? 4am? 5am? No wonder she was sore all over. Pati na rin ang balikat niya na napupuruhan ng mga kagat ni Reese when she was reaching her climax.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya nang maalala ang mga nangyari kagabi. Hindi niya ma-predict minsan si Reese...Sometimes she's mild and gentle...but last night she's kind of hot...and wild.
Though ginusto rin naman niya ang mga nangyari. Hindi lang niya inaasahan ang mga ganap.
"De Marco!" narinig niyang sutsot ni Penelope sabay hampas nang malakas sa braso niya.
"Ano ba?"
Imbes na sumagot ay ininguso nito ang professor namin sa harap na matalim ang tingin sa kaniya.
"Kanina ka pa tinatawag ni Ma'am."
Tumayo siya at napakamot sa kilay nang tanungin siya ng professor nila tungkol sa dinidiscuss nila kanina.
"I have no idea, Ma'am," sagot niya. Sa katunayan ay alam niya ang sagot, tinatamad lang siya magdadakdak sa harap ng klase lalo't medyo mahaba-haba ang kailangang explanation.
Lalong nagsalubong ang kilay ng professor nila. "You dropped your brain. Pick it up."
Nagkatinginan sila ni Penelope. "Ano daw?"
"I said pick up your brain, Ms. De Marco!" singhal ng professor nila.
Lihim siyang napaismid. 'Lakas ng loob magtaray, 'kala mo naman kagandahan.'
Sa inis niya ay sinunod niya ang gusto nito. 'Pick up your brain pala, huh.'
Then, kunyare ay may pinulot siya sa sahig pagkatapos ay ishinoot niya kunyare sa ulo niya.
"I got my brain back, Ma'am. What's next po?"
Nagtawanan ang buong klase sa ginawa kaya lalong nag-alburoto ang professor nila.
Akala niya ay palalabasin siya nito pero pinaupo na lang siya uli at sinermunan.
***
Hanggang lunch lang ang klase niya ngayong araw. Babalik na lang siya mamayang alas singko sa Salvatore para sa volleyball practice.
"Uy, De Marco! Tambay daw muna tayo sa apartment ni Ayla after lunch, kasama sila Seyer."
Bigla niyang naalala nung gabing nagwalwal silang mga rookies sa apartment ni Ayla pagkatapos ay may game kinabuksan. They're so wasted at that time, lalo na nung isinabak sila sa game na pare-pareho silang bangag.
Yet honestly, it's one of her favorite memories with her teammates. Doon din kasi nagsimula na magkaayos at tumibay ang samahan nila. Lalo na kina Seyer at Kylie na kaaway pa niya dati. Ni sa hinagap ay makakasundo niya ang dalawang 'yun na kontrabida sa buhay niya dati. Although, naroon pa rin ang asaran at patutsadahan minsan, but in a friendly way na. Si Kylie ay tanggap nang mas magaling siya rito. Kailan ba hindi? Then si Seyer na back up niya minsan at dakilang taga-awat oras na may gulo lalo na kapag nakakapag-pang-abot sila ni Dela Vega in and out the court.
And there's Penelope na hindi nagsasawang kulitin at bulabugin siya lagi.
If she's about to describe her rookie teammates...that would be retarded...yet talented.
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...