Chapter 21
Matapos makapagshower at makapagbihis ay nagpasya si Alayne na gamitin ang contact lenses kesa sa eyeglasses. Pagkatapos ay muli niyang isinuot ang mga weights dahil sinasanay niya ang sarili na suot 'yon kahit hindi oras ng training. Kakatapos lang ng kanilang training for the day pero imbes na magpahinga ay naisipan ni Alayne na mag-ikot-ikot sa resort. Medyo nasanay na kasi siya kumpara sa unang dalawang araw na halos mamatay-matay siya sa pagod. Madali naman kasing bumawi ang katawan niya, especially with the right and proper conditioning.
"O, saan ka?" tanong ni Penelope nang maabutan siya nitong sinusuot ang varsity jacket.
"What do you mean? Nasaan ako o saan ako pupunta?"
"Namilosopo ka pa. Mamaya hahanapin ka na naman ni Coach."
"Magpapaalam naman ako paglabas ko," sagot ni Alayne at isinuot naman ang cap.
"So saan ka nga gagala?"
"Maglilibot lang sa resort."
Naisip ni Penelope na samahan si Alayne kaso mas nangibabaw ang kagustuhan niyang magpahinga. "Gusto sana kitang samahan kaso I'm too tired."
"Okay lang. Ayoko rin naman kasi ng kasama."
"'Kaw talaga. 'Paka-loner mo. Geh, ingat ka na lang."
Tango lang ang itinugon ni Alayne saka binitbit ang sneakers at ang DSLR camera palabas ng kwarto.
.
.
.
Hindi nakita ni Alayne si Reese sa cabin kaya lumabas siya para hanapin ito para makapagpaalam.
Muli ay nakita niya si Reese sa paborito nitong spot sa may duyan pero hindi siya kaagad lumapit sa halip ay kinunan ito ng litrato.
Napangiti siya nang makita ang magandang shot.
Naglakad siya papalapit kay Reese pero natigilan siya nang marinig ang mariin at pagalit nitong tono.
"Martin naman! Ba't ka nagdesisyon na hindi man lang kinonsulta sa akin?...Pabalik na ako sa makalawa at hindi mo man lang ako nahintay?...No, I'm mad at you right now! H'wag mo muna akong kausapin..." wika ni Reese at tinapos ang tawag. Napamura pa ito sa hangin pagkatapos.
Samantala ay hindi nakakilos si Alayne sa kinatatayuan. Hindi niya alam kung tutuloy o babalik na lang. Ngunit bago pa man siya makapagdesisyon ay lumingon si Reese na nakaramdam sa presensiya niya.
"Al, kanina ka pa?"
"Uh, medyo... Though I didn't mean to listen—"
"May lakad ka?" tanong ni Reese. Hindi naman ito galit nang harapin siya.
"Sana. Kung papayag ka...maglilibot sana ako sa resort..."
Tumango-tango si Reese.
"Sure. Okay lang... Mag-ingat ka lang at h'wag masyadong papaabot ng dilim."
***
Ang plano ni Alayne ay mag-ikot lang sa resort pero nang malaman niya mula sa mga nakausap niyang staff na may event sa bayan ay naisip niyang sumaglit dun. Malapit lang naman 'yun at isang tricycle lang ang biyahe mula sa resort.
Ngunit hindi pa man siya nakakarating sa bayan ay isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap.
Isang papasalubong na sasakyan ang sumalpok sa isang nakaparadang ten-wheeler truck. Muntik nang mahagip ang tricycle na sinasakyan niya, mabuti na lang at naiiwas kaagad ng driver ang trike. Pero kahit nakaiwas sila ay nawalan ng kontrol ang driver sa trike at bumunggo sila sa bakod ng isang bahay.
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...