Chapter 61

9.8K 307 11
                                    

Chapter 61


Alayne woke up with her head spinning. Gusto niyang bumangon pero hindi niya magawa. Pakiramdam pa niya ay maduduwal siya kung babangon siya, 'yun ay kung magagawa nga niya 'yun.

"Damn!"

Ilang saglit pa ang lumipas at unti-unti rin 'yung humupa lalo na nang maramdaman niya ang pagdantay ng malambot na palad ni Reese sa pisngi niya.

"Hey, love, are you okay?"

"Y-Yeah..." sagot ni Alayne habang nakapikit pa rin. Kinuha niya ang kamay ni Reese at dinala sa mga labi niya. Napakalambot at napakabango ng kamay nito.

"You sure?"

"Yes, love."

"Okay. Nga pala, I have to go. May lunch ako saka meeting na rin with a client. Ako ang pinapupunta ni Dad as representative niya para i-close ang deal."

"Ganun ba? Pero lunch pa 'yung meeting mo, ah. Ang aga mo namang umalis," ani Alayne at kinapa ang eyeglasses sa side table.

"Maaga ka dyan. It's past ten na kaya. Saka ayokong ma-traffic."

Nang maisuot ang eyeglasses ay malinaw niyang nakitang bihis na bihis na si Reese.

"Lovely..." anas niya at pinansin pa ang buhok nito na bahagyang pinakulot o pina-wave ang dulo. "Masyado ka namang nagpaganda para sa client na 'yan."

"Well, it's business at kailangan nating maging presentable..."

"And intimidating..."

Napangisi si Reese. "Nasa kanila na 'yan kung ma-i-intimidate o hindi."

"Wait, pa'no 'yung game mamaya?" Saglit siyang napaisip. "Sabagay, aabot ka pa naman siguro. 4PM pa ang game 'di ba?"

"Timang! Anong 4PM? 2PM ang game!"

"'Yun pala eh. Alanganin na. Hindi ba pwedeng hindi ikaw 'yung pumunta?"

Marahang napabuga ng hangin si Reese at pagdaka'y lumabi. "I'm sorry, love, pero nagpaalam na ako sa management na si Coach Anne muna or si Ruales ang magti-take over ng game na 'to. I need to be in this meeting to deal with this client for a new project. Maraming kailangang i-discuss. Importante 'to kaya nga ako ang pinapapunta ni Dad."

"'Di nga? Baka pwede ka namang humabol sa game."

"I can't."

"Hmp. 'Pag hindi ikaw 'yung coach, hindi ako maglalaro."

"Gagi! Umayos ka nga!" ani Reese sabay pitik sa tungki ng ilong ni Alayne.

"Or pwede namang ako muna 'yung coach?" aniyang nakangisi.

"Ewan ko sa'yo!" Then marahan naman nitong tinampal ang pisngi niya.

"Anyway, bumangon ka na dyan. Kumain ka na. Pinagluto na kita ng breakfast...or brunch rather," wika pa ni Reese.

"Aww...Sweet naman ng love ko...Sana everyday."

"Everyday sana kung hindi mo ako inaaway."

Sasagot sana si Alayne pero hinarang ni Reese ang daliri sa mga labi niya. "Sshh. Enough na, hahaba pa 'tong usapan."

"But—"

This time ay pinatahimik na siya ng halik ni Reese. Dampi lang 'yun pero sapat na para gumanda ang mood niya ngayon.

"Gotta go! I love you!"

"I love you too," sagot ni Alayne at saka bumangon. Gusto niyang ihatid si Reese kahit hanggang sa pinto man lang ng unit.

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon