Chapter 36
Nagising si Reese na may nararamdamang mainit ngunit banayad na paghinga sa leeg niya.
"Al..." anas niya nang malingunan si Alayne na nahihimbing sa tabi niya. Hindi siya kaagad nakakilos dahil nakayakap ito sa kaniya. Ang isang kamay nito ay nakapaloob sa sandong suot niya at sapo kaniyang kanang dibdib, habang ang isang hita naman nito ay nakadantay sa kaniya.
Tiningnan niya ang oras, mag-a-alas sais na ng umaga. Gigisingin sana niya sa Alayne pero naalala niyang Sabado pala ngayon. Gayunman, maingat niyang kinuha ang kamay nito at inilabas sa damit niya. Ngunit bigla itong kumilos at muli siyang niyakap at lalo siyang hinapit. Kung nagising niya ito o kanina pa ito gising, hindi na niya inalam.
Hinalikan siya ni Alayne sa balikat, "Hmm...Ti amo (I love you)..." mahinang anas nito saka muling isinubsob ang mukha sa leeg niya.
Nakikiliti siya sa ginawa nito kaya naman umayos siya paharap dito. Itinukod niya ang siko at ipinatong ang ulo sa kamay saka pinagmasdan si Alayne.
"Good morning, sleepy patahto..." anas niya.
"Mm-morning..." tugon nito ngunit hindi nagmulat.
Nilaro niya ang tungki ng ilong ni Alayne para tuluyan itong magising.
"Hmm. Stop it," bahagyang angil nito at hinawakan ang kamay niya para mahinto siya sa ginagawa.
"Bangon na..."
"Tch. I wanna sleep more..." wika nito habang nakapikit pa rin. Then muli itong nagsumiksik sa kaniya.
Napangiti na lang si Reese at hinalikan si Alayne sa tungki ng ilong at sa noo.
"I'm gonna get up, Patahto."
"Hmm," mahinang pagtutol nito at hinigpitan ang yakap sa kaniya. "No. Dito ka lang."
"Timang. Pupunta akong banyo," aniya.
Bahagya itong nagmulat kaya nasilayan niya ang mga berde nitong mata, na isa na ata sa paborito niyang makita tuwing umaga.
"Balik ka agad, ah. H'wag ka muna umalis," wika ni Alayne na ikinatawa ni Reese.
"Ba't ako aalis, e, unit ko 'to," natatawang sabi niya. Akala 'ata ni Alayne ay nasa sarili itong unit.
"Oh... Yeah, right. The pillow smells very you..." anito at isinubsob na ang mukha sa unan..
.
.
.
Paglabas ni Reese ng banyo ay nadatnan niya si Alayne na nakaupo na sa gilid ng kama at nakahawak sa balikat na tila may iniinda.
"Are you okay?"
"Yeah. I'm fine. It's just...your love bite," anito at napangiti. "Masyado atang napadiin."
Tinabihan niya ito at tiningnan ang balikat kung saan naroon pa ang bakat ng kagat niya.
Naramdaman ni Reese ang pag-iinit ng pisngi nang maalala ang nagawa kagabi. Hindi niya naiwasang makagat ito sa balikat...especially the moment Alayne sent her to bliss...
Dinampian niya ito ng halik sa balikat. "I'm sorry..."
"Not a prob," ani Alayne. "Basta lang..."
Akala ni Reese ay hahalikan siya ni Alayne nang ilapit nito ang mukha pero may ibinulong lang ito sa kaniya para lalo siyang pamulahan.
Marahang tumawa si Alayne at binigyan siya ng smack sa pisngi.
"Ewan ko sa'yo!" aniya at inabot ang unan pero bago pa man niya ito mahampas ay nakatayo na ito at nakailag.
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...