Chapter 35

10.1K 351 37
                                    

Chapter 35


"Galeng! Nagspike lang last game, nabalian na kaagad ng braso!" bungad ni Penelope nang pagbuksan siya ng pinto ni Alayne sa condo nito.

Laking pasalamat ni Alayne na tinupad nga ni Penelope na ito lang ang pupunta para bisitahin siya matapos malaman nito ang kondisyon niya. Kung hindi pa siya mahigpit na nagbilin ay baka dinala na nito ang buong tropa sa unit niya.

"Timang, hindi. Nagcrash ako sa motor that night after the game," ani Alayne at hindi na idinitalye ang kuwento kay Penelope, lalo na ang pagkaka-aresto at pagkakakulong niya nang ilang oras.

"Huwaw! Iba talaga ang Alayne De Marco! Yayamanin!" sabi ni Penelope habang namamanghang inililibot ang tingin sa unit. "Hanep! Para akong nasa 5-star hotel!"

"Tss. Si Kuya lang ang yayamanin," ani Alayne at umupo sa sofa. Hindi pa siya tuluyang magaling pero mabuti na ang pakiramdam niya. Iba kasi talaga 'pag mahal mo ang nag-alaga sa'yo.

Well, liban na lang sa braso niya na maga pa rin.

"Besh, ipakilala mo naman ako sa Kuya mo. Malay mo naman, ma-realize niya na ako pala talaga ang itinadhana sa kaniya at 'di si Coach Lissa," ani Penelope na ibinagsak ang katawan sa katapat na sofa.

"Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo! Asa ka pa. Gusto mo pa 'atang masampal at masabunutan ni Coach Lissa, no?"

"Psh. Basta ipakilala mo pa rin ako. Tas sabihin mo na lang na ako ang nawawala niyong kapatid."

"Layo! Walang maniniwala. Height pa lang, bokya ka na!"

Kinuha ni Penelope ang isang throw pillow at mahinang hinampas sa kaniya.

"Ang sama talaga ng ugali mo, e, no? Never ka talaga naging supportive friend!"

"E, 'di naman kasi ka-support-support 'yang pinagsasabi mo, e!"

"Ewan ko sa'yo!" Then binuksan ni Penelope ang bag at inilabas ang plastic ng mga prutas na binili niya bago pumunta sa condo. "O ayan. Nag-ambagan ang team ng tig-bebente pesos para dyan."

"Nag-abala pa kayo."

"Siyempre, love ka namin, e."

"Thanks, btw."

"Uy, marunong na siyang mag-thank you! Baliin pa natin 'yung isang braso mo baka mas bumait ka pa."

"Subukan mo at sisipain kita palabas ng condo."

Tinawanan lang siya ni Penelope. "Dalhin ko na nga 'yan sa kusina mo nang mahugasan."

"Sure. Hanap ka na lang din ng lagayan sa mga cabinet. Feel at home basta h'wag ka lang magbasag."

"Wait," ani Alayne nang may mapansin siya sa plastic pagtayo ni Penelope. "Ano 'yan?"

Sinundan ng tingin ni Penelope ang tinuro niya saka inilabas sa plastic. Dalawa itong scented candles na animo'y nakalagay sa maliit na pabilog na lata.

"Ah, eto. Scented candles, galing kay Seyer at Kylie. Bigay ko raw sa'yo. Sindihan mo raw 'pag nahimlay ka para may tanglaw ka raw sa kabilang-buhay," natatawang sabi ni Penelope. "O, 'di ba? Mga bruha talaga ang mga gaga!"

"Lakas ng mga trip, a."

.

.

.

"Musta nga pala ang training?" tanong ni Alayne nang sumunod na siya sa kusina. Nadatnan niya si Penelope na nagbabalat at naghihiwa ng mansanas.

"Ayos naman. Medyo bati-bati na kami ni Coach Reese."

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon