Chapter 77

11.1K 384 260
                                    

Chapter 77


2 days before the game...

"Guys, parating na si Coach Reese!" humahangos na balita ni Ayla sa Salvatore team na biglang napabalikwas mula sa pagkakasalampak sa sahig. Kahit ang assistant coaches na nag-uumpukan ay bigla ring napatayo at pumunta sa kanilang mga puwesto. "Mukhang bad mood si Coach!"

Napatingin ang lahat kay Alayne na tahimik lang na nakasalampak sa sulok at nagsa-soundtrip.

"What?" ani Alayne nang mapansing nakatingin sa kaniya ang lahat. Tinanggal niya ang nakasuot na headphone.

"Andyan na si Coach Reese. Bad mood," sabi ni Penelope. "Anong ginawa mo?"

Tinaasan ni Alayne ng kilay si Penelope. "Ba't ako? Ba't parang kasalanan ko?"

Sa loob-loob ni Alayne ay bigla siyang nagtaka at the same time ay nag-aalala para kay Reese. Hindi sila nagkita mula pa kagabi. Umuwi ito sa kanila dahil may importante raw na ididiscuss ang Dad niya patungkol sa kompanya.

Kaninang umaga sa practice nila ay wala rin ito, nagpaalam na may importanteng aasikasuhin sa kompanya.

Hihirit pa sana si Penelope ngunit sabay-sabay silang napalingon nang makapasok si Reese sa gym.

"Hmm. You're not practicing. Kung hindi pa ako dadating, tutunganga lang kayo? Ano, kampante na kayong kaya niyo nang talunin ang MU?" mataray na bungad ni Reese. Nakapamewang ito at matalim na tinatapunan ng tingin ang bawat naroroon.

Natahimik ang buong team at napatungo. Walang may kayang salubungin ang tingin ng galit nilang Coach. Kahit si Alayne ay panaka-naka lang ang tingin kay Reese. Naroon pa rin ang kaba at takot niya kay Reese sa tuwing nabebeastmode ito.

"H-Hindi naman po, Coach," lakas-loob na sagot ni Alessa. "Actually, nagpa-practice naman—"

Pinutol ni Reese ang sasabihin ni Alessa. "Cut the bullshit, Joaquin. You're not sweating at all!"

Natameme si Alessa sa sinabing 'yun ni Reese.

"Ano ba kasing ginawa mo?" bulong ni Penelope kay Alayne na nasa likuran. Siniko-siko pa nito si Alayne.

"Wala akong ginagawa, timang!" paangil na ganting bulong ni Alayne at bahagyang sinipa si Penelope na hindi tumitigil kakasiko sa kaniya.

"Baka kasi kinulang sa lambing mo—"

"De Marco! Flores! " singhal ni Reese dahilan para mapaigtad ang dalawa sa gulat. "Nagsasalita ako rito sa harapan pero nagtsitsismisan kayo riyan sa likuran!"

"H-Hindi naman po kami nagtsitsismisan, Coach. M-May tinatanong lang po ako kay Aldy," sagot ni Penelope pagkatapos ay tumingin kay Alayne, humihingi ng saklolo.

"What is it then? Baka gusto niyong ishare sa buong team? Hmm, De Marco?"

"Uhh, tinatanong po ni Poppy..." Nag-isip si Alayne ng palusot at tiningnan si Penelope. Pinandidilatan siya nito, tila sinasabing h'wag niya itong ilaglag. "Uhm, tinatanong po niya kung may pag-asa pa raw po siyang maging open spiker. or blocker daw po."

Napabunghalit ng tawa ang mga ka-team nila sa sinagot ni Alayne. Ngunit agad ding natahimik ang mga ito nang mapansing seryoso at wala pa ring kangiti-ngiti si Reese.

"Really, Flores? 'Yan talaga ang concern mo ngayon?" ani Reese ngunit ang totoo'y hindi siya naniniwala. "If you want to be a spiker or blocker, i-reach mo muna ang height ni De Marco, or maybe work on your vertical leap."

"O-Okay na po ako sa libero position, Coach," sagot ni Penelope pagkatapos ay matalim na sinulyapan si Alayne. "Hayup ka talaga, De Marco..."

"Tch. We've wasted much time," ani Reese nang tumingin sa wristwatch. "Alright, back to basics tayo for today's practice. Tomorrow, morning lang ang practice. Then pahinga niyo na for the rest of the day."

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon