Chapter 65
"Good morning, Lovezilla! Tara, breakfast!" nakangiting bungad ni Alayne nang mapagbuksan ito ni Reese ng pinto sa unit niya. Sa ayos nito ay mukhang kagagaling lang nito sa pagjogging pagkatapos ay bumili ng breakfast bago pumunta dito.
"Anong dala mo?"
"Pancakes," sagot nito at dumiretso sa dining saka inilapag ang paper bag sa lamesa. Pagkatapos ay hinubad nito ang hoodie jacket at isinampay sa upuan. Naka-sports bra na lang ito kaya naman napatitig siya sa hubog ng katawan nito.
'Sexy... '
Hindi na bago sa kaniya ang makita ang katawan nito pero 'yung feeling...'yung epekto sa kaniya...it's still the same...
Parang lalo 'ata siyang nagutom lalo na nang mapadako ang tingin niya sa toned abs nito.
Nang lumingon si Alayne ay nahuli siya nitong nakatitig dito.
"Tama na ang titig, baka matunaw ang abs ko," panunukso nito.
"Kasi naman!" aniya at tumawa na lang. Pagkatapos ay sumaglit siya sa kuwarto para kumuha ng towel para rito.
.
.
.
"You seemed happy. Parang laging maganda at magaan ang mood mo these past few days, pansin ko lang," wika ni Reese habang kumakain sila ng breakfast ni Alayne. "And I like it... 'Yan ang gusto kong nakikita sa'yo lagi."
"Maybe kasi lagi na kitang kasama saka hindi mo na ako tinatalakan," anito at inabot ang syrup at naglagay sa pancakes.
"Ikaw lang naman kasi itong pasaway kaya kita nasesermunan minsan."
"Hindi rin. Masungit ka talaga," anito at tumawa. "'Zilla ka nga kasi, 'di ba? You breathe fire most of the time! Rawr!"
Imbes na mainis ay tinawanan na lang niya ito. Tila nahahawa na rin siya sa mood nito.
"Baliw! Uy, 'yung pancakes nalulunod na," pansin niya. Nasobrahan na ito ng buhos ng syrup.
"Ay, gags! Oo nga!" natatawa nitong sabi. "Sorry naman..."
.
.
Mayamaya ay bigla itong sumeryoso.
"Uhm... Actually, maybe it's because of my reconciliation with my former teammates... I've realized some things..." wika ni Alayne. "After naming magkausap nila Audie...magkakuwentuhan, pakiramdam ko parang nabawasan or rather nawala 'yung bigat ng mga bagahe sa dibdib ko dahil sa mga nangyari sa akin noon sa Italy. It's maybe the closure I didn't know I needed."
Hinayaan ni Reese na magpatuloy si Alayne sa pagkukuwento habang matamang nakikinig dito.
"They said they're sorry and they asked for my forgiveness...They felt bad...really bad na wala sila para damayan ako nung mga panahong kailangan ko ng karamay. Gusto nilang bumalik noon sa Italy kahit nasa sila kalagitnaan ng international stint nila pero hindi sila pinayagan. Gusto nila akong ilaban noon at magtestify pero hindi sila pinakinggan at sa halip ay ginipit pa kaya hindi nila nagawang makauwi... Nang makauwi sila ay naitago na ako ni Kuya saka 'yun na ang mga panahon na pinutol ko na kung anuman ang koneksiyon ko sa Italian volleyball..." anito at saglit na humigop ng kape.
"I already forgave them..." pagpapatuloy ni Alayne pagdaka. "Binitiwan ko na 'yung grudge ko sa kanila lalo na sa mga nasa likod ng pagpapatalsik sa akin sa Italian volleyball. I need to let go and move on... I realized na mas dapat narito na lang ang focus ko, sa Philippine volleyball. This is where my heart and life is now..."
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...