Chapter 54
"Penelope! Focus!" kanina pang paulit-ulit na sabi ni Reese kay Penelope sa gilid ng court.
"Yes, Coach," malamyang sabi ni Penelope sabay tango.
Penelope has been struggling even from the start of the game. She can't even get a decent first ball, thus the team plays are affected.
.
.
"Flores, umayos ka nga! Ako ang nagmumukhang bano dahil sa kapalpakan mo! Ang pangit ng receives mo!" gigil ngunit mahinang angil ni Kylie kay Penelope.
"Sorry..." tanging sabi ni Penelope, at sa muling play ay hindi na naman ito maayos na naka-receive.
Over receive ang nangyari kaya naman nawalan ng pagkakataon ang SU para makapag-set ng attack, na kasalungat naman sa DLSU na ginamit ang pagkakamaling 'yun.
Samantala, nabasa ni Alayne na nasa back row kung kaninong hitter ibibigay ng setter ng La Salle ang bola. Hindi na niya kinailangan pang timbrehan ang blockers dahil mukhang nabasa rin ng mga ito ang galaw ng La Salle.
Na-block ng mga ito ang bola pero hindi lubos. Dumaplis lang ang bola sa kamay ni Sam pero dahil dito ay napabagal nito ang galaw ng bola. Nakaabang na si Alayne sa likod para kunin ito pero bago pa siya makahakbang at sumayad sa braso niya ang bola ay biglang may bumunggo sa kaniya para kunin ito.
Kaya naman ang nangyari ay hindi nila na-save ang bola.
"Pinaggagawa mo?" ani Alayne kay Penelope pero hindi kababakasan ng inis ang mukha.
"Sorry, Al..." wika lang ni Penelope at napatingin sa Lady Spikers na isini-celebrate ang isang puntos na 'yun.
"Tss."
Natampal ni Reese ang noo sa nangyari at napatawag ng timeout. The score is only 17-10 in the first set pero halos ubos na kaagad ang timeouts niya.
Sa totoo lang kasi ay hindi lang si Penelope ang nakikita ni Reese na may problema. Almost everyone in the team. They're not playing their usual game. Sa katunayan ay si Alayne lang ang nakakagawa ng score. Sa sampung puntos ng SU, walo na ang kay Alayne samantalang ang dalawa ay mula sa service errors ng La Salle.
"Guys, anyare? Wala ba kayong tulog? O 'di kaya'y hindi maganda ang gising niyo? Gutom ba kayo? Lalo ka na, Penelope! Kung nakikita mo ang sarili mo kanina sa loob ng court...goodness, you're a mess!"
"Sorry, Coach! Hindi ko pa makuha ang rhythm ko."
Napabuga ng hangin si Reese at pagdaka'y nagbigay ng instruction sa team.
.
.
.
Mukha namang nakatulong ang timeout dahil nakatatlong sunod-sunod na puntos kaagad ang Salvatore. Dalawa kay Alessa at isa kay Seyer. Ngunit agad ding tinuldukan ng Lady Spikers ang run na 'yun ng SU.
The De La Salle blockings are on point and once again shut down the attacks of SU's hitters. Ang mga attacks ni Alayne ang hindi pa nila kayang iblock.
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...