Chapter 5
Sunday...
"Ba't para kang pinaghampasan dyan?" pansin ni Rafael kay Alayne nang dumulog ito sa hapag-kainan. Lulugo-lugo ito at parang anytime ay babagsak.
"Alam mong matagal akong walang training kaya nabigla ang katawan ko these past few days," sagot ni Alayne. 30-35 hrs ang practice nila every week, kasama na ro'n ang conditioning sa gym.
Inutusan niya si Hillary na sandukan siya dahil hirap siyang iangat ang mga braso.
"Ang istrikto pa ng coaches especially the head coach."
"Si Reese?" Natawa si Rafael. "Balita ko nga kay Martin, istrikta talaga siya pagdating sa volleyball."
Mabait si Reese at palangiti at nabibiro-biro ng ibang players lalo na ng mga seniors pero pagdating sa practice ay takot ang mga players dito.
Alayne rolled her eyes. "She's a perfectionist," aniya pa habang inaalala ang kahigpitan ng Coach sa mga training ngayong linggo. Sa katunayan, ilang beses siya nitong nasigawan dahil sa right-hand services niya. Kung hindi puro sa net tumatama ay outside naman. It's her weakness, right-hand services especially the jump serves.
Pinagamit nito ang left-hand niya for services dahil nga nalaman nitong left-handed siya pero nagdahilan siyang mas trained siya sa right-hand pagdating sa volleyball. Sinampulan niya pa 'yon ng left-hand serve at hindi umabot ang bola sa net.
Muntik nang matampal ni Reese ang noo dahil doon at lalong nanggigil sa kaniya.
Flahsback...
"Kamote ka! Ulit-ulit?" gigil na sabi ni Reese kay Alayne dahil hindi niya magawa ang instructions nito sa services. Partida, hindi pa 'yun jump serves.
Kay Alayne naka-focus si Reese dahil sa lahat ng players ay ito talaga ang nangangamote sa services. Setter pa naman ito at madalas, setter ang una sa service line.
Samantala, ang ibang players na ina-assist ng ibang assistant coaches ay napapatingin at 'di maiwasang matawa.
"Maybe she could try underhand serves," sabi nung isang player dahilan para matawa ang iba.
Nilingon ni Reese ang mga ito habang nakapamewang. "Is there anything funny?!"
Sa ginawa ni Reese ay nagsipulasan ang mga ito at bumalik sa kaniya-kaniyang drill.
Marahas na napabuga ng hangin si Reese at muling itinuon ang atensiyon kay Alayne na dini-dribble ang bola.
"Alayne! Again!"
"No, I'm tired! I've been repeating this serve for what, a hundred times?"
"'Coz you're not taking this seriously!"
"I don't care what you think, Coach! I'll rest for now," matapang na sabi ni Alayne at tinalikuran si Reese para bumalik sa bench.
"De Marco!" 'di napigilang sigaw ni Reese.
Napahinto si Alayne at muling hinarap si Reese. "Coach, look! I can't perfect this serve at once!" medyo mataas ang boses na sabi ni Alayne.
"I know! But this is your third day training and yet you haven't made even a single decent serve, you bubblehead!" singhal ni Reese na halos dinig sa buong gymnasium. Ang iba ay nagulat pa dahil unang beses nilang marinig na nagalit nang ganito si Reese.
Huminga nang malalim si Reese para pakalmahin ang sarili. "Fine! Rest for now! But tomorrow you'll make a hundred services."
End of flashback
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...