Chapter 17
Habang nasa pool at nagpapalutang-lutang ay walang ibang nasa isip si Alayne kundi ang paghalik sa kaniya ni Reese kagabi. Mula pa kagabi ay hindi 'yun matanggal sa isipan niya at hanggang ngayon ay parang nararamdaman pa rin niya ang lambot ng mga labi nito.
Dampi lang ang halik na 'yun pero ang lakas ng epekto sa kaniya.
She's supposed to be happy and celebrating pero hindi 'yun totally ang nararamdaman niya. Knowing Reese, alam niyang walang malalim na kahulugan ang halik na 'yun. Maybe that kiss was just a friendly-thank you-kiss. She doesn't want to be negative about this pero mabuti na rin 'yun kesa sa umasa at masaktan lang sa bandang huli.
Napamura siya saka inilubog ang sarili sa tubig at sumisid pailalim. At para hindi na maisip ang nangyari kagabi ay inabala at pinagod niya ang sarili sa ilang laps na paglangoy. Ginawa rin niya ang ilang pool exercises na alam niya at ginagawa noon sa mga training niya sa Italy.
At matapos ang ilang oras na paglalagi sa pool ay umahon na siya. Sinuot niya ang roba at pumasok sa kabahayan.
"Hey, Aquagirl, mabuti umahon ka pa," bungad ni Rafael na kanina pa pala naghihintay sa kaniya.
"Hey, dumating ka na pala. How's the date with Coach Lissa?" tanong niya.
Pumunta siya sa kitchen para magkalkal ng makakain sa ref. Sumunod naman si Rafael.
Inilabas niya ang isang pitser ng juice at tupperware na may slices ng cake.
"I didn't invite her to a date...yet..." anito at sumilay ang kakaibang ngiti.
"I know that smile, bro. Tinamaan ka talaga 'no?" may himig ng pang-aasar na wika ni Alayne habang kumukuha naman ng baso at kutsara.
Pagkatapos ay umupo siya sa may hapag at nilantakan ang cake.
"Gushto mo ilakad kita?" sabi ni Alayne habang ngumunguya.
"H'wag na. Maagaw mo pa, e."
Muntik nang masamid si Alayne sa sinabi ng Kuya niya. Alam nito ang gender orientation niya at wala itong problema dun.
"Threatened lang?" ani Alayne matapos lunukin ang nginunguya. Then saka siya bumunghalit ng tawa. "Don't worry, bro, Coach Lissa isn't my type."
"E, sinong type mo? Si Reese?"
This time ay tuluyan nang nasamid si Alayne.
"Si Reese nga!" anito na may panunukso.
"Ma, che sei grullo? (Are you crazy) No way! She isn't my type," bulalas ni Alayne nang mahimasmasan. "Sungit kaya nun," pagdadahilan pa niya. Hiling lang niya ay hindi siya mahalata ng Kuya niya.
"Saka mas type ko si Chepot," pagsisinungaling pa niya. She can't tell her brother she likes...or rather loves Reese...not yet...
"Chepot? Si Michelle? Yung sister ni Reese?"
"Uh-huh," kumpirma niya.
Tumango-tango si Rafael. "Mukhang okay naman siya."
Hindi na nagkomento si Alayne sa halip ay binago na ang usapan.
"Anyway, anong meron at parang hinihintay mo 'kong umahon kanina."
"I have something for you. Naalala ko kasi na training camp mo na pala bukas kaya ibibigay ko na."
"Really?! Ano 'yun?" aniya na medyo na-excite.
"Bago ko ibigay sa'yo, tapusin mo muna 'yan. Then magbanlaw ka muna at magbihis."
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...