Chapter 31

9.8K 332 53
                                    

Chapter 31


"How's life?" untag ni Rafael kay Alayne nang mapansin niya ang kapatid na nakadungaw sa labas mula sa bintana ng sasakyan at panaka-nakang napapangiti. Papunta sila sa presinto dahil nahuli na raw ang mga holdaper na na-locate dahil sa phone ni Alayne.

"Ayos lang," tipid na sagot ni Alayne. She wanted to tell her brother about Reese, talk about their love life, ask for advice...but she can't.

"You seemed happy," puna pa ni Rafael.

"Somehow. Let's just say that there's a lot of changes happened. Things are getting better...and hopefully, for the better."

Napangiti si Rafael sa tinuran ng kapatid. Lately, kahit madalang man niyang makasama ang kapatid, masyadong evident ang pagbabago nito mula nung bumalik sa training camp. Kung dati ay madalas itong seryoso at madalas siyang barahin at tarayan, ngayon ay nabawasan na. Medyo bumabalik na rin ang lambing nito sa kaniya.

"Dahil ba 'yan sa standing ng team niyo? Balita ko 0 losses kayo sa first round elimination," sabi ni Rafael.

"You know it's normal whenever I'm in 'that' team," sagot ni Alayne sabay tawa nang malakas.

"So, seryoso na ang laro mo?"

"Nah. Hindi naman kasi kailangan. I can beat them even if I'm just playing 50%. 'Di pa nga ako nagtatanggal ng weights sa mga games ko."

"Yabang..."

"I don't see any wrong to brag the things that are true, no?"

"Not all the time. Anyway, sayang naman kung hindi nila makikita ang tunay mong laro... Hmm... Ira?"

Biglang nagsisi si Rafael sa pagbanggit nun lalo't huli na para bawiin 'yun.

"I thought we already had an agreement to never call me by that name...ever again..." mariing wika ni Alayne na biglang sumeryoso.

"I'm sorry..."

Hindi sumagot si Alayne at itinuon ang tingin sa kalsada.

"Uy, sorry na... Shopping tayo mamaya. Sagot ko."

Nilingon ni Alayne ang kapatid sabay ngumiti nang malapad.

"Sure, bro."

"Tch. You got me there."

***


"Sila ba?" tanong ng chief of police kay Alayne nang dumating silang magkapatid sa presinto. Nasa harap nila at mga nakaposas ang tatlong lalaking nadampot ng mga kinauukulan.

"Yeah, especially that one," ani Alayne at itinuro ang holdaper na naka-engkwentro niya at humiwa sa kamay niya.

"Okay po. Kailangan na lang po namin, Ma'am, na magfile kayo ng complaint para tuluyan na naming maikulong ang mga ito."

"Sige. By the way, may na-retrieve pa ba sa mga nakuha nila."

"Meron," wika ng pulis at iginiya sila sa isang kwarto kung saan nakalatag sa lamesa ang mga gamit na nakuha ng tatlong holdaper.

"Ano ba ang mga nakuha sa'yo, Al?" tanong ni Rafael.

"My phone, wallet and DSLR."

Na-retrieve ni Alayne ang phone dahil inangkin at ginamit ito ng tangang holdaper sa pag-aakalang hindi ito mata-track. Ang wallet naman ay nakuha niya pero wala ng cash ngunit naroon pa rin ang IDs, atm cards or credit cards niya. Ang DSLR ang wala na dahil naibenta na raw ito.

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon