Chapter 56
"Hoy, De Marco, ano sasama ka ba?" bungad ni Penelope nang sagutin ni Alayne ang tawag.
Birthday ni Sam at nag-invite ito sa bahay nito, pero bago sila pumunta roon ay dadalawin muna ng team si Diane sa ospital kung saan ito naka-confine.
"Yeah. Pero may dadaanan pa ako. Susunod na lang ako sa ospital."
"Gehgehgeh. H'wag kang indyan, a! Kundi babanatan kita!"
"Psh. Bye."
"Ma'am, saan po ang punta natin?" tanong ng driver nila ng Kuya niya. Madalas ay ang Kuya na niya ang pinagda-drive nito pero ngayon ay nirequest niya na siya muna dahil tinatamad siyang magdrive.
"Sa Q.C. ho," sagot ni Alayne at ibinigay ang pangalan ng ospital.
***
"Is she here?" nakangiting sabi ni Alayne sa receptionist/secretary ni Grace. Sa ilang beses niyang pagpunta ay kilala na siya nito.
"Yup. Pasok ka na lang, Ms. Al."
"Thanks!"
Bago siya pumasok sa pinto ay nahagip ng tingin niya ang name plate na nasa glass part ng pinto.
Dr. Grace Patricia L. Chen, Ph.D.
Pagbukas niya ay agad na bumungad sa kaniya ang dalagang doktora na may pinipirmahang mga dokumento.
Nag-angat ito ng tingin at tumaas ang isang kilay pagkakita kay Alayne.
"Hey, Doc Gracey! Long time no see!" bati ni Alayne at umupo katapat nito.
Nakilala ni Alayne si Grace nung mga panahong nawala siya ng ilang linggo. Nagkataong may medical mission noon sa lugar kung saan lihim na nagtrain si Alayne. Doon sila nagkakilala at 'di inaasahang magiging malapit sa isa't isa.
"For you..." wika pa niya at iniangat ang isang box ng mini cakes at tatlong tangkay ng roses na binili niya bago pumunta rito.
Inilapag ni Alayne ang box habang ang tangkay ng roses ay diretso niyang inilagay sa vase na nasa table nito, tulad ng nakaugalian na niya tuwing pumupunta siya rito.
"So after ignoring my calls, you show up here without any notice. Magaling!" ani Grace na 'di maitago ang inis.
"I'm sorry about that."
Tumayo si Grace at kinuha ang isang tangkay ng rose then mahinang hinampas kay Alayne bago ibalik 'yun.
"Alam mo naiinis ako sa'yo. We set an appointment pero hindi mo sinusunod. Nasisira ang sched ko at ayoko nang ganun! Pasalamat ka ngayon at wala akong pasyente."
"Sorry na nga, 'di ba?"
"Psh. Anyway, kumusta ka na?" tanong ni Grace at bahagyang umupo o sumandal sa gilid ng table. "And thank you for this," aniya na ang tinutukoy ay ang dala ni Alayne.
Umismid si Alayne. "Nagtalo kami ng gf ko dahil sa'yo. I told you to stop calling me baby."
"E, ano naman? Baby girl naman talaga kita, a!" sabi ni Grace at nawala ang inis. Natawa ito dahilan para lalong maningkit ang mga mata nito.
Pinanggigilan pa nito ang magkabilang-pisngi ni Alayne.
"By the way, did I tell you that I already met your girlfriend slash coach?"
"What?! No!... When? Where? What did she say? Nagpakilala ka? Sinabi mo bang magkakilala tayo?"
"Chill!" natatawang sabi ni Grace at ikinuwento kay Alayne ang mga pagkakataong nagkita sila ni Reese.
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...