Chapter 75

10.3K 362 204
                                    

Chapter 75

"Angeles! Nakalimutan mo na ba kung paano magreceive?!" hindi napigilang singhal ni Reese kay Seyer nang muli siyang tumawag ng time out. Nagpipigil siyang ihampas dito ang coaching board na hawak.

Kung kailan crucial ang game ay kesa off ang receiving ni Seyer kaya ito ang tinatarget ng kalaban. At nakakarami na ng puntos ang kalaban dahil kay Seyer. Wala namang problema ang attacks nito ngunit wala ring nangyayari dahil nababawi ng errors nito ang mga puntos.

"Sorry, Coach," hindi makatinging sagot ni Seyer.

"Kinakabahan kasi kaya ganyan," pambubuska ni Alayne sa gilid habang lumalaklak ng Gatorade.

"Tumahimik ka, De Marco. Isa ka pa! H'wag ka nang dumagdag! Ayusin mo rin ang sets mo! You have your middles and June kanina pero pinilit mo pa rin kay Alessa ang bola kaya ilang beses na na-block ang attack kanina!"

"Sorry naman, Coachzilla! I'm not perfect! May misjudgement din ako minsan," ngingiti-ngiti pang sagot nito.

Pinakalma ni Reese ang sarili at hindi na nag-aksaya ng oras. Mabilis siyang nag-instruct sa team habang ginuguhit ang susunod nilang play sa coaching board.

"Got it, guys? Is it clear?"

"Clear as my love for you, babe," malanding wika ni Alayne at kumindat pa sa kaniya dahilan para kantiyawan sila ng team.

"Uwuuu!" ani Penelope.

Pinamulahan siya roon pero mas nangibabaw ang inis niya kay tinuktukan niya si Alayne sa ulo gamit ang coaching board.

"Please be serious!"

Nang tumahimik ang mga ito ay patuloy siyang nagsalita. "Penelope, Alessa, tulungan niyo si Seyer sa receiving. Sam, bantayan mo ang drop balls ng setter nila."

"Copy, Coach!"

"Please lang, guys, h'wag niyo nang paabutin ng fifth set 'to!"

Nang bumalik ang team sa court ay ibinigay niya ang coaching board at marker sa assistant coach. Pagkatapos ay humalukipkip siya at tumingala sa scoreboard sa taas.

18-17, lamang ang Salvatore ng isang puntos sa Ateneo. Lamang din sila ng isang set. Kung makuha nila ang set na 'to, finals bound na sila. Kakalabanin nila for the championship title ang MU na waiting na lang ngayon sa makakalaban.

.

.

.

Score update, 24-24

"Seyer!" sigaw ni Penelope dahil papunta rito ang bola. Ni-receive 'yun ni Seyer pero hindi nito nacontrol ang bola at tumilapon ng wala sa direksiyon.

"Inaka, Seyer! Papalamunin talaga kita ng services ko sa practice natin bukas!" sigaw ni Alayne at hinabol ang bola na papalabas na sa zone 4. Mula pa siya sa zone 1 kaya ang layo ng hinabol niya. Mabuti na lang at palobo at mataas ang talsik ng bola mula kay Seyer.

Her other teammates can get it pero mas mabuting siya as setter ang kumuha ng second ball lalo na ngayon. They need a decent attack, and an excellent set is very crucial.

Inabutan ni Alayne ang bola at isinet 'yun mula zone 4 papunta sa gitna ng zone 2 at 5 kung saan 'yun sinalubong ng backrow attack mula kay June.

Malakas ang palo ni June pero magaling din ang libero ng Ateneo at nasungkit 'yun kaya mabilis na bumalik sa kanila ang bola.

Pabalik na si Alayne ng puwesto pero bigla siyang na out of balance at napahiga.

"De Marco!"

Saktong palapag sa kaniya ang bola at kahit nakahiga ay nagtoss siya papunta sa direksiyon ni Seyer.

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon