Chapter 48
‘So this is the prestigious stage of UAAP…’ anas ni Alayne sa sarili habang pinagmamasdan ang kabuuan ng dome.
Ang lakas ng kabog ng dibdib niya ay sumasabay sa malakas na beat ng drums mula sa mga supporters ng schools, samahan pa ‘yun ng upbeat na music at panaka-nakang ingay ng buhay na buhay na crowd.
She overcame the stage of PVL, and now she is ready to overcome and conquer the stage of UAAP.
Naramdaman ni Alayne ang mahinang hampas sa likod niya. Akala niya ay si Penelope pero si Reese ang nalingunan niya.
“Breathe. Relax. Masyado kang stiff…”
“I’m sorry.”
“Don’t be sorry. Normal lang sa player ang kinakabahan lalo na at first game sa UAAP.”
Napabuga siya ng hangin.
“This is the real deal, Al, so do your best and good luck!”
“Thanks, Coachzilla!” aniya. Then napadako ang tingin niya sa wrist ni Reese. Suot nito ang necklace na ginawa nitong bracelet. Ipinaloob lang nito ang pendant para hindi mahalata.
Napangiti siya at balak sanang hawakan si Reese pero ipinagtulakan na siya nito lalo’t nagsalita na ang announcer.
“The first face off of the season between University of the East and Salvatore University!
.
.
.
And now let's hear you cheer for your starters. From the SU Lady Smashers, wearing jersey number 2, the Captain, Alessa Joaquin! Number 10, Samantha Avila! Number 11, Trinity Tiu! Number 7, Seyer Angeles! Number 13, Kylie Garcia…and number 14, Alayne Irelle De Marco! Their libero, number 5, Diana Miller.”
Naghiyawan ang mga naroon lalo na ang mga taga-De La Salle na piniling suportahan ang SU dahil na rin sa alumna nila ang dating head coach nito. Idagdag pa ang fake news na kumakalat ngayon sa internet patungkol sa relasyon ni Alayne at Ciel Villarosa ng DLSU Tennis.
Kung ang SU ang kinampihan ng DLSU, ang UE naman ang pinanigan ng ADMU at naghiyawan ang mga ito nang ipakilala ang starters ng UE. Kaya naman kahit mamaya pa ang laro ng rival teams ay nagkakainitan na ngayon pa lang ang mga supporters ng dalawang premyadong unibersidad.
.
.
.
“Yuck! Eww!” ani Diane at pinahid ang mga kamay sa jersey ni Alayne.
“What the—?”
“Sorry, ‘di ko lang matanggap na nakipag-apir ako kanina kay Coach Fifi nung nagroll call ‘yung barker. Urgh!”
"Kaya sa akin mo pinahid?" wika ni Alayne.
Magkokomento pa sana si Diane pero sinigawan sila ni Fiona.
“Hey! Position!” sigaw ni Fiona sa dalawa dahil hindi pa nakapwesto ang mga ito gayung magseserve na ang first server ng UE.
.
.
.
Samantala…
Walang pakialam si Reese sa ingay ni Fiona, basta tutok lang siya sa game. Tinitingnan niya at pinag-aaralan kung epektibo nga ang changes na ginawa ni Fiona sa team.
Kung titingnan, dalawa ang setter sa starters ngayon ng SU pero ang totoo, kay Kylie nakasalalay ang setting. Ito ang may responsibilidad sa playmaking. Hindi priority ni Alayne ang setting ngayon dahil ikinonvert ito ni Fiona para maging open spiker dahil nga sa potential na nakita rito nang magserve ito nang pagkalakas-lakas sa PVL Finals.
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...