Chapter 57
"Ba't mo ginawa 'yun?!"
Nagulat si Reese at napamaang sa biglang sabi na 'yun ni Ciel pagkauwing-pagkauwi nito. Nasa sala siya at abala ang atensiyon sa laptop nang bigla siya nitong lapitan at sabihan nga ng ganoon.
"What do you mean?" wika niya. Saglit lang niyang sinulyapan si Ciel at muling ibinalik ang tingin sa ginagawa.
"You know what I'm talking about!"
"Will you please lower your voice?! Natutulog na sina Dad!" saway niya. "Kung ano man 'yang problema mo, bukas na natin—"
"No! Hindi mo ba naisip na masasaktan si Alayne sa ginawa mo?!" wika ni Ciel.
Naging malinaw kay Reese ang tinutukoy ng kapatid.
"Let's say hindi pa nga open ang relation niyo sa public pero hindi mo ba naisip ang mararamdaman niya sa lantarang pagdedeny mo sa kaniya in a national tv!"
Napabuga ng hangin si Reese. "Ciel, pwede ba! H'wag kang makialam sa amin ni Alayne, pwede? Mind your own business! And I know what I'm doing, okay?! So shut up and go upstairs!"
"Tch! Alayne loves you so much pero nagagawa mong gawin sa kaniya 'yan! You don't deserve her!"
"And who deserves her? You?!"
Hindi na sumagot si Ciel sa halip ay tinalikuran si Reese at padabog na umalis.
Naiwan namang naiinis si Reese kaya pabagsak niyang isinara ang laptop. Mula nang malaman ni Ciel ang tungkol sa kanila ni Alayne ay hindi na bumaik sa dati ang magandang samahan nilang magkapatid.
Though she doesn't blame anyone except herself. At naiinis siya sa sarili dahil hindi pa niya kayang solusyunan ang gusot na ito.
***
Patulog na sana si Reese nang biglang gisingin ng ring ng phone niya ang diwa niya.
Ayaw na sana niyang bumangon pero walang tigil ang ring.
Inabot niya ang phone sa side table at halos matampal niya ang noo nang mapagsino ang tumatawag.
"Hi, love, nagising ba kita?"
"Hindi naman... Akala ko tulog ka na..."
Nagkausap na sila kanina kaya hindi niya inaasahan na tatawag pa uli ito.
"Why you've called?"
"I miss you. I wanna see you..."
Akala niya ay ayos na ito kanina nang magkausap sila pero hindi pa pala.
"Pwede bang ipagpabukas na natin 'to? Sa ngayon, matulog na tayo—" aniya pero mukhang hindi nakikinig ang kausap niya.
"Punta ako dyan..."
Hindi sigurado si Reese kung nagtatanong si Alayne at humihingi ng permiso na pupuntahan siya nito... o kaya'y papunta na ito at ipinapaalam lang sa kaniya.
Napabalikwas si Reese dahil dito at napatingin sa orasan... past midnight...
"The heck, Alayne?! Will you just stay in your condo and get some sleep? Goodness, may game pa tayo bukas!" may diin niyang sabi.
"But I can't sleep... I want to see you..."
"Al, no! Dis oras na ng gabi, delikado na pumunta ka pa rito!" aniya na pigil ang inis.
Narinig ni Reese ang pagbuntong-hininga ni Alayne ngunit hindi ito nagsalita.
"Alayne..." mahinahon niyang wika at hinaluan ng lambing ang tinig. "Magpahinga ka na dyan, please. Bukas na tayo magkita—"
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...