Chapter 22

9.7K 384 31
                                    

Chapter 22


Today was a very tiring day for Reese. Hindi lang dahil sa training kundi rin dahil sa leisure activities para sa last day nila. Idagdag pa ang post-celebration ng birthday niya kung saan tila naging piyesta ang dinner nila dahil sa pagbaha ng mga pagkain at inuming ipinahanda niya.

Ang dami ring pakulo ng players ng men's at women's volleyball kaya naman walang dead moment ang celebration. Iba talaga kapag nagsama at nagkasiyahan ang players ng Salvatore. Kahit ang mga may edad na nilang managers ay hindi rin nagpahuli sa mga bagets. Nakipagsabayan pa ang mga ito sa mga mini games na inihanda ng mga girls.

Kahit si Alayne na akala niya ay mananahimik at magmumukmok maghapon ay nakisaya rin kahit papaano sa tulong na rin ng teammates nito lalo na ng mga boys na 'di niya akalaing tropa na pala ni Alayne.

Though Alayne may be smiling, pero malamlam pa rin ang mga mata nito. Hindi maipagkakailang may dinaranas itong hirap ng kalooban na kinikimkim lang nito sa sarili. Naroon pa rin ang epekto ng nangyari kahapon...o ng kung anumang nangyari two years ago.

Gusto niya sana itong lapitan, yakapin at kausapin, at sabihin na magiging ayos lang ang lahat...na narito lang siya kung kailangan siya nito...ngunit naging mailap sa kaniya ang pagkakataon.

Kaya naman nakuntento na lang siyang tingnan at subaybayan ito maghapon, tutal ay mukhang medyo maayos na ang lagay nito kumpara kahapon.

.

.

.

Tulad kagabi ay 'di ulit makatulog si Reese gaano man nakakapagod ang araw na 'to. Kung ang ibang kasama niya ay nahihimbing na, siya ay hindi. Kaya naman nagpasya siyang mag-night swimming na lang.

Hindi na nag-alinlangan si Reese na magswimsuit paglabas niya ng cabin tutal naman ay may suot din siyang cover up.

Naglakad-lakad muna siya sa beach at ini-enjoy ang preskong hangin bago pumili ng spot na walang masyadong lumot o halamang-dagat na nadadala ng alon.

Medyo madilim sa bahaging 'yun ng beach lalo't liwanag lang ng buwan ang tumatanglaw sa parteng 'yun. Medyo malayo na rin ito sa cabin pero hindi siya natatakot. Safe naman kasi ang resort at isa pa, ilang beses na rin niyang ginawa ang pagna-night swimming kahit nung nga nakaraang training camp na dito rin sa resort na 'to ginawa.

Iniwan niya sa ilalim ng puno ng niyog ang gamit na dala tulad ng phone, towel at bottled water matapos makasigurong walang ibang tao dun kundi siya. Then hinubad niya ang cover up saka naglakad papunta sa dagat na tanging two piece red bathing suit lang ang suot.

Lumusong siya at nakuntento na lang sa bahagi ng dagat kung saan hanggang dibdib niya ang tubig. Medyo maligamgam ang tubig-dagat, 'yung sakto lang, kumpara sa hangin na medyo malamig.

Then naisip niyang magpalutang at tumitig sa kalangitan...

"This is so relaxing..." bulong niya at pumikit. Iba ang ginhawang nararamdaman niya habang nakababad sa tubig-dagat, idagdag pa ang echo ng tubig habang nakalubog ang mga tainga o ang kalahati ng ulo niya sa dagat. Everything is so relaxing...

At para lubusin ang pagrerelax, iwinaksi niya muna sa isipan ang mga problema... ang pagtatalo nila ni Martin...ang pressure sa nalalapit na games...at higit sa lahat, ang napakapasaway na si Alayne, at ang kakatwang nararamdaman niya para rito na unti-unti o muling nabubuhay at gumugulo sa kaniya.

Mayamaya ay bigla siyang napabalikwas nang may maramdamang ibang galaw ng tubig sa paligid, na para bang may lumangoy sa tabi niya.

"Is anyone there?" kinakabahang tanong niya. Nilibot niya ang tingin ngunit wala siyang nakita maliban sa banayad na pag-alon ng dagat.

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon