Chapter 34

9.7K 333 24
                                    

Chapter 34


Sure, today has been a very busy day for Reese. Volleyball training. TV hostings. Now, adding to her hectic shed, she's assisting her mom in their business. All of it in one day is really quite exhausting.

However, despite all these, Alayne never leaves her mind. She's been thinking about her since last night. As in, a lot.

And this alarms her in a way.

Usually kasi ay si Martin ang nasa isipan niya...ang nasa isip niya. But now, Alayne is kinda invading her thoughts.

Hindi pa sila nagkita ni Alayne ngayong araw. Wala ito sa practice kanina na hindi na niya ipinagtaka. Hindi na rin niya ito dinaanan sa unit nito kaninang umaga dahil alam niyang nasa bahay pa ito ng Kuya Rafael nito.

Nang makasakay sa kotse ay chineck niya muna ang phone. May missed calls si Alayne gamit ang isa pa nitong number. Kaya siguro hindi nito nasasagot ang mga tawag niya kanina sa isa pa nitong number. Mukhang na-misplaced na naman nito ang isang phone.

Sinubukan niya itong tawagan, itatanong sana kung nasa unit niya ito. She wants to check on her. Kung ayos lang ba ito. Yes, she was mad at Alayne especially yesterday. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na siya nag-aalala para rito. Alam niyang kailangan siya nito at hindi niya ito matikis.

Lalo na ngayon na parang ayaw niyang matapos ang araw na 'to na hindi niya nakikita si Alayne.

She dialed her number for the third time. But again, no answer.

Napagpasyahan niyang pumunta sa bahay nito pero bago 'yun ay dumaan muna siya sa condo. Nagbabaka-sakali pa rin siyang naroon na si Alayne.

Tumuloy muna siya sa unit niya dahil may mga bitbit siya at pagpasok niya ay hindi niya inasahan ang bubungad sa kaniya.

Akala niya ay nilooban na ng magnanakaw ang unit niya dahil nakita niya ang divider cabinet na halos wala ng laman. Kinabahan siya ngunit agad ding nawala 'yun nang makita ang note nakadikit sa divider.

'Love, I'm so sorry. Nabangga ako kanina sa divider mo at nabasag ko yung mga display. Nalinis at naligpit ko na rin 'yung mga kalat. And don't worry, papalitan ko na lang yung mga nabasag ko.

I love you and I miss you. Sana hindi ka na galit sa'kin.

P.S. Hiniram ko muna yung pillow mo. Wala kasi akong katabi.

I love you!

- Your cute and sweet yet sick Patahto. :-)'

"Idiot..." anas niya at napailing. "Ano kayang pinaggagawa nito kanina sa unit at nabangga pa sa divider?"

Then na-realize niya na nakangiti na pala siya. So Alayne was here, at malamangang ngayon ay nasa unit niya ito.

Til nawala ang pagod ni Reese dahil dito. At natatawa siya sa sarili na parang gusto rin niyang batukan dahil para siyang teenager na excited siyang makita si Alayne.

Lahat ng inis niya kay Alayne ay tila nawala na parang bula kahit nadagdagan pa ang kasalanan nito sa kaniya sa pagkakabasag ng mga gamit niya.

But it's no longer an issue to her. Maliit na bagay.

All she knew that right now, she misses Alayne and she wants to see her..

.

.

.

Matapos makapag-shower at makapagpalit ng pambahay ay bumaba na si Reese sa unit ni Alayne.

Hindi na siya kumatok dahil may susi naman siya pero laking gulat niya nang biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang babae bago pa man niya maipasok ang susi sa doorknob.

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon