Chapter 25

9.9K 337 89
                                    

Chapter 25

"What's with the serious faces? 'Di ba dapat masaya kayo?" puna ni Ciel nang mapansing tahimik at seryoso ang Ate niya, si Lissa at si Alayne. Kasalukuyan silang anim na kumakain sa isang restaurant kung saan sagot lahat ni Rafael bilang selebrasyon sa unang pagkapanalo ng Salvatore U sa PVL Collegiate Conference.

"We're happy naman a," sagot ni Reese. "Yeah. Medyo pagod lang siguro lalo na si Al," wika pa niya at tinapunan ng tingin si Alayne na katapat niya. Napapagitnaan ito ni Rafael at Ciel samantalang siya ay napapagitnaan naman ni Lissa at Martin. Si Rafael at Lissa ang magkatapat.

Samantala, tumango lamang si Alayne dahil nagko-concentrate siya sa pagbabalat ng shrimp. As much as possible, ayaw niyang tumingin sa harap niya dahil lalong nadaragdagan ang pagkairita niya sa pagtatabi ni Martin at Reese kaya naman nagfofocus na lang siya sa pagkain. Isa pa, naroon pa rin ang kaunting pagtatampo at inis niya kay Reese.

"Damn," mahinang mura ni Alayne ng muntikan nang tumalsik ang shrimp.

"Al, ano ba 'yan," ani Rafael na nabigla sa narinig na biglang pagmumura ni Alayne sa harap ng pagkain.

"Tsk. Sorry."

"Here, let me..." wika ni Reese at pinagbalat si Alayne.

"T-Thanks C-Coach," ani Alayne pagkatapos.

Matamis na ngumiti si Reese. "No prob, dear. Basta aayusin mo lang ang paglalaro every game. Just like what you've shown on the game earlier."

Samantala, palihim na sinipa ni Lissa si Reese sa ilalim ng lamesa. Pinandilatan pa niya ito paglingon.

"Tss," ani Reese at ginantihan ng sipa si Lissa. Alam niyang kanina pa siya nito gustong sabunutan dahil sa pagkakahuli nito sa kanila ni Alayne pero wala itong magawa sa ngayon. Though tiyak niyang mamaya ay hindi siya nito titigilan.

Gayunman, nagpatuloy ang masayang kuwentuhan sa dinner nila kahit nakakaramdam ng kaunting discomfort sina Reese, Alayne at Lissa sa isa't isa.

"Hey, guys, tingin muna sa cam," untag ni Ciel mayamaya sa mga kasama habang kumukuha ng video para sa IG story at vlog nito. "And say hi!"

"Congrats on your first win, Salvatore," wika pa ni Ciel kay Alayne na ngayo'y busy sa pagdi-dessert ng ice cream.

"Uy, smile ka naman," wika ni Ciel dito.

Ngumiti naman si Alayne ngunit pagkatapos ay agad na ring umiwas sa camera ng phone ni Ciel.

Natawa si Ciel at humilig sa balikat ni Alayne. "Asus, nahiya pa raw! Pero kanina sa loob ng court, puro swag."

Muling sumilip si Alayne sa cam, "Chepot is a bully," anito at pinahiran ng kaunting ice cream ang tungki ng ilong ni Ciel.

"Eww!" bulalas ni Ciel at muntik nang mabitawan ang phone dahil sa pagkakabigla sa ginawa ni Alayne. Natatawang hinampas niya ito. "Ikaw kaya 'tong bully!" aniya at tinapos na ang vid.

Marahan lang na natawa si Alayne. Then kumuha siya ng tissue at siya na mismo ang nagpunas sa pinahid na ice cream sa ilong ni Ciel.

"Excuse me," biglang sabi naman ni Reese. Madilim ang mukhang tumayo siya at tinungo ang comfort room.

Samantala, nagkatinginan si Alayne at Lissa pagkaalis ni Reese. Pareho sila ng nasa isip pero nagkibit-balikat na lang si Alayne at nagpatay-malisya.

***

"So, ano, baka pwedeng i-explain mo na sa akin 'tong problemang pinapasok mo, ha, Therese?!" medyo pagalit na sabi ni Lissa ay Reese pagpasok nila sa condo nito. Hinatid muna nila si Ciel sa bahay pagkatapos ay silang dalawa naman ang hinatid ni Martin bago ito umuwi. Si Alayne naman ay sumama kay Rafael sa bahay nila imbes na magpahatid sa condo nito.

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon