Chapter 27
"Kapag minamalas ka nga naman, o! Tsk. Sa dinami-rami ng makakasakay, yung asungot pa "
Nag-angat ng tingin si Alayne nang marinig ang sinabing 'yun ng taong kaharap niya sa jeep habang nasa biyahe siya sa parteng Taft pabalik na ng Makati. Abala kasi siya sa pagcheck sa DSLR ng mga nakunan niyang footages ng mga pamosong landmark sa Manila na kailangan niya para sa project sa isang minor film subject sa kurso niya. Dahil din dito kaya niya naisipang magcommute kahit nung una'y kabadong-kabado siya.
Samantala, hindi pinatulan ni Alayne si Seyer at muling ibinalik ang atensiyon sa ginagawa. Aksaya lang sa oras kung papatol siya rito. Mas minabuti na lang niyang hindi ito pansinin.
Mayamaya'y nagulantang silang lahat ng sakay ng jeep nang may tatlong lalaking pasahero na tantiya niya'y nasa mid-twenties ang edad, ang naglabas ng mga balisong. Maayos ang postura ng mga ito at hindi aakalain ninuman na mga holdaper.
"Holdap 'to! Ibigay niyo ang mga gamit niyo!" sabi ng isang holdaper habang nakatutok ang balisong sa kanila dahilan para lalong magpanic ang mga pasahero. Ngunit agad ding nanigaw ang mga holdaper para patahimikin ang mga pasaherong naghisterikal.
Ang iba'y tila na-estatwa sa sobrang pagkabigla...at takot, tulad nilang dalawa ni Seyer. Ngunit mas matindi ang takot ni Seyer dahil katabi mismo nito ang isang holdaper.
Kaya naman wala na itong nagawa nang makuha ang phone nito.
"Akina 'yang bag mo!" singhal pa ng holdaper.
"Kuya, h'wag na 'to! Na sa'yo na ang phone ko, e!" ani Seyer habang kipkip ang body bag na laman ang wallet nito.
"Ibigay mo na at tumahimik ka kundi babarilin kita!" ani kay Seyer ng holdaper habang tinututukan ito ng balisong.
Samantala, sa narinig na sinabi ng holdaper ay 'di naiwasang matawa ni Alayne. Sa lahat ng hinoholdap, siya lang ata ang taong nagawa pang matawa.
"May bala ba 'yan, Kuya?" ani Alayne sa holdaper na tila sabaw ang utak at nakalimutang balisong ang hawak at 'di baril.
"Tumahimik ka kundi gigripuhan ko 'yang tagiliran mo!" singhal sa kaniya ng holdaper pagkatapos ay binuksan ang malaking knapsack. "Ilagay mo lahat ng gamit mo!"
Hindi na pumalag si Alayne at inilagay sa knapsack ang DSLR.
"'Yung cellphone at pera mo, ibigay mo!" singhal pa nito at pagkatapos ay pinaglipat ang pagtutok ng balisong sa kanila ni Seyer.
Nakitaan ni Alayne ng pagka-tense ang holdaper na kaharap niya gayundin ang dalawa pa nitong kasama. Kabado ang mga ito at mukhang nga baguhan kaya naman hindi sinunod ni Alayne ang sinabi nito, pati na rin si Seyer na nagmatigas na h'wag ibigay ang bag.
Pansin pa ni Alayne, kung tutuusin, maaring kayanin nila ang mga holdaper lalo't tantiya niya ay mas matangkad at mas malaki ang bulto ng pangangatawan nila kesa sa mga ito. Ang problema lang ay may hawak itong patalim.
"Bilisan mo! Akina ang cellphone at lahat ng pera mo!"
Nang ilabas ni Alayne ang cellphone at wallet ay agad 'yung hinablot ng holdaper at isinilid sa knapsack samantalang si Seyer ay nagmamatigas pa rin. Mukhang masyadong importante para rito ang laman ng bag.
Tiningnan ni Alayne si Seyer na para bang sinasabi na ibigay na niya ang dahil baka bigla na lang manaksak ang holdaper pero masyadong matigas ang ulo nito.
"Pre, tara na! Baka madale pa tayo!" sigaw ng isang holdaper.
Sa pagkakataong 'to ay namuwersa na ang katabi nilang holdaper ni Seyer. Nakuha nito ang bag ni Seyer pero pinilit 'yung bawiin ng huli. Sasaksakin na sana ito ng holdaper pero mabilis na nahawakan ni Alayne ang braso nito. Kaya naman nang marahas siyang ipagpag ng holdaper ay naiwasiwas nito ang patalim at nasugatan siya sa mga palad at braso na naipangsangga niya.
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...