Chapter 69

8.3K 313 43
                                    

Chapter 69


Pabagsak na inilapag ni Reese ang phone sa table at nahilot ang sentido pagkatapos siyang tawagan ng manager ng SU volleyball team para iinform tungkol sa drug test na isasagawa ngayon sa university.

Nalaman din niya mula rito na naroon si Alayne at nasa priority list ng nga dapag i-test.

"Fuck!" mahina niyang mura.

Alayne was drugged last night. Paniguradong magpopositibo ito. Ba't pa ba kasi ito pumasok ngayon? Dapat ay natulog na lang ito sa condo at nagpahinga. Sigurado kasing masama ang pakiramdam nito dahil sa nangyari kagabi.

Then muli na naman niyang naalala ang nahulihang akto ni Alayne at Carmela. Bumalik na naman ang kirot sa dibdib niya. Naroon ang sakit sa tuwing sasagi sa isipan niya ang nangyari kahit alam niyang walang kasalanan si Alayne at hindi nito sinadya ang mga nagawa.

She wants to forget but she knows it will take time.

Kailangan din niya munang isantabi ito lalo't may malaki silang problema.

"Ba't naman kasi na-timing ang drug test kung kailan na-drugged si Alayne?" inis niyang sambit. "Ang tagal na nilang inilabas ang petition tas ngayon lang nila naisipang mag-surprise drug test? Bullshit!"

Then bigla siyang natigilan lalo't naalala ang MU player sa bar. Hindi niya maiwasang magduda. Ang MU ang nag-umpisa ng petition, at na-i-push nila ang drug testing pagkatapos ma-drugged si Alayne sa bar kung saan may nagtatrabahong MU player.

Coincidence? O talagang sinadya...

Then bigla niyang naalala ang mga sinabi noon ni Ashley Dela Vega...ang mga banta nito.

"Tch. Manila University...sinusubukan niyo talaga ako..." anas niya habang nabubuo sa isipan ang mga gagawin.

.

.

.

"Ma'am Therese?" Nag-angat siya ng tingin at nakita ang secretary na may hawak na folder at paper bag.

Narito pa siya sa opisina dahil may kailangan siyang asikasuhin lalo't nagkaroon ng biglaang meeting ang board kanina. Halos katatapos lang ng meeting bago siya tawagan ng manager ng SU kanina.

May sarili na rin siyang office rito. Pinaayos na niya pagkatapos niyang iwan ang trabaho sa tv network. Mas nakakapagfocus na siya sa business nila at nakakabisado ang mga pasikot-sikot. Though, mas priority pa rin niya ang volleyball sa ngayon. Pa-assist-assist lang siya sa Dad niya lalo na sa ibang transactions. Ang Mom niya ay tumutulong rin kaya hindi siya masyadong nahihirapan.

"For approval po," anito at inilapag ang dalang folder sa table niya. "'Eto naman po 'yung pinapa-order niyo, Ma'am," wika pa nito at iniangat ang paper bag.

"Thanks. Pakilapag na lang dyan sa sofa."

Pinasadahan ni Reese ang dokumento pagkatapos ay pinirmahan.

"Last na ba 'yan?"

"Yes po, Ma' am."

"Sure, a? Paalis na kasi ako. Baka mamaya may pahabol pa," wika niya at isinara ang laptop at iniligpit ang ilang gamit.

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon