Chapter 68
At the bar...
Saglit lang na nawala si Carmela pero tila ibang Alayne na ang dinatnan niya pagbalik niya. Nasa puwesto pa rin ito pero iba na ang ekspresiyon sa mukha. Tila masama ang pakiramdam nito kanina pero ngayon ay mukhang ayos na ito. Iniinom na rin nito ang cocktail drink na hindi nito ginagalaw kanina.
"Alayne..."
"Hey, Reese baby. Andito ka na. Come, sit ka sa lap ko," wika nito habang namumungay ang mga mata.
"I am not your girlfriend, Al," sagot ni Carmela pero mukhang hindi nito inintindi.
"This is good pala," wika pa nito habang tangan ang cocktail drink. Iinom na sana uli ito pero pinigil na niya ito nito.
"Enough, Al."
Looking at Alayne, isang bagay lang ang sigurado ni Carmela. Alayne was drugged. Tingin niya'y hindi lang ang cocktail drink ang may halo, kundi maging ang iced tea nito. At kung sino ang may gawa, hindi niya alam.
"Let's go home na. Ihahatid na kita," sabi niya.
Ini-extend ni Alayne ang kamay. Akala niya ay magpapa-alalay ito pero bigla siya nitong hinigit at napaupo siya sa kandungan nito.
"Ano ba 'yan!"
Humagikhik lamang ito at pagkatapos ay isinubsob nito ang mukha sa leeg niya.
"I want you now, Love," Alayne whispered at she started kissing her neck.
Hindi naman kaagad nakapalag si Carmela lalo't gusto niya ang ginagawa ni Alayne. Gayunman, pinagana pa rin niya ang katinuan kahit medyo tipsy na siya dahil sa nainom.
"Alayne, let's go home. You're not well..."
Tumawa ito. "I am! I am good. Honestly, I feel awesome... I feel like I am the luckiest person in the world!" wika nito sa gitna ng mga paghalik sa kaniya.
Natigil lamang ito nang magring ang phone nito.
Lovezilla calling...
Iniabot ni Alayne ang phone at walang babalang inlublob 'yun sa bucket na halos tubig na ang laman dahil sa natunaw na ice. Ni hindi na nga ito nag-abalang basahin kung sino ang tumatawag.
"Why did you do that?" maang na wika ni Carmela.
"I want a moment with you, Love. Ayoko ng istorbo."
Tumayo si Carmela at pilit na itinayo si Alayne.
"Al, I am not Reese! I'm Carmela! And trust me, Al. Pagsisihan mo ang ginagawa mong 'to kapag nasa katinuan ka na. Kaya halika na at umuwi na tayo!" medyo pagalit niyang sabi.
Tinawanan lang siya ni Alayne. "You're really cute when mad."
Hindi na nagkomento si Carmela sa sinabi ni Alayne sa halip ay hinila na ito.
"Saan naka-park ang sasakyan mo?" tanong niya kay Alayne na halos batiin ang lahat ng makasalubong nila kahit hindi nito kilala.
"Alayne!!!"
"What?!"
"Sabi ko, 'asan ang sasakyan mo? Saan naka-park?"
"Oh! I don't have a car!"
"Kung wala kang sasakyan, paano ka nakarating dito, ha?!"
"I teleported here! Geez!" anito at tumawa. Pagkatapos ay nabaling ang atensiyon nito sa magandang babaeng nakasalubong nila. "Hi there, gorgeous! D'you have a date? Wanna hang out sometime?"
Malagkit na ngumiti ang babae at mukhang papatulan si Alayne pero mabilis na pumagitna si Carmela.
"Sorry, Miss. But she's a mess right now," aniya at mabilis na hinila si Alayne.
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...