Chapter 11

10.3K 405 122
                                    

Chapter 11


Kinagabihan ay abala si Alayne sa pagtapal ng ice pack sa pisngi niya para hindi ito mamaga. Sinabayan na rin niya 'yon ng pagbabasa ng libro habang nakahilata sa sofa at kumakain ng isang box ng pizza na pinadeliver niya for dinner.

Nasa kalagitnaan na siya ng pagbabasa nang istorbohin siya ng pagtunog ng doorbell. Imbes na bumangon ay chineck niya muna ang phone at tiningnan kung may tawag o text ang Kuya niya o si Hillary. Nag-aabiso kasi ang mga ito kung pupunta. Ngunit wala siyang nakitang text o missed call kaya napaisip siya kung sino ang nasa pintuan niya ngayon.

Nang maulit ang pagdoorbell ay napilitan nang bumangon si Alayne at nagmartsa papuntang pinto. Hindi na siya nag-abalang sumilip sa peephole dahil may door chain and bolt naman ang pinto niya kaya hindi kaagad makakapasok kung sinuman ang bisita niya.

"Yes—?" Nagulat at napaawang ang bibig ni Alayne nang bumungad sa kaniya si Reese. "C-Coach!"

Ito ang pinakahuling tao sa listahan ni Alayne na magiging bisita niya sa unit niya.

"Hi, Al! Can I come in?"

"S-Sure. Wait lang," ani Alayne at saglit na sinara ang pinto at tinanggal ang pagkakalock ng bolt saka niya niluwanagan ang pagkakabukas ng pinto.

"Thanks," ani Reese at pumasok.

Nahigit ni Alayne ang paghinga nang dumaan si Reese sa harap niya at malanghap niya ang bango nito. Nakasuot lang ito ng medyo maluwang na pink tshirt at maong shorts at flip-flops.

Samantala, iginala ni Reese ang mga mata pagpasok niya. Unang natuon ang atensiyon siya sa sala kung saan nakakalat sa lamesa ang ice pack at isang bucket ng ice, a book about Filmography at isang box ng pizza.

"So, kumusta ang pisngi mo?" tanong ni Reese.

"Actually, medyo masakit pa," pagtatapat ni Alayne.

Bahagyang natawa si Reese. "Tamaan ka ba naman kasi ng solidong spike ng isang power hitter. Ba't naman kasi mukha ang pinangsalo mo?"

Umismid si Alayne. "I'm too late to receive it with my arms. At least nagawa kong ipaling ang ulo ko kundi baka ilong na ang nadali sa akin," sagot niya.

Inayos ni Alayne ang sofa at inalok si Reese. "Have a sit. And, uh, pizza, you want?"

"Thanks. Your dinner?"

"Yeah, for these past few days already."

"You're an athlete, Al. You should eat healthy."

Nagkibit-balikat si Alayne. "Don't have a choice for now. Wala na akong stock sa ref or groceries," ani Alayne.

"Ba't 'di ka mag-grocery?"

"Mas maganda kasi kung kasama ko si Kuya, para libre niya."

Napailing si Reese.

"Ang kuripot mo rin, no? Anyway, good thing I brought you food," sabi ni Reese at iniabot ang paperbag kay Alayne.

"You what?" 'di makapaniwalang tanong ni Alayne at sinilip ang paperbag na may lamang tupperware. 'Di man niya hawakan pero ramdam niya ang mainit na singaw.

"I brought you food. Nagluto kasi ako at dinalhan kita like what I said last Sunday. By the way, it's chicken, sana magustuhan mo ang pagkakaluto." The meal Reese brought features baked chicken breasts covered in a sauce of brown sugar, hot sauce, garlic powder, and butter. "And a salad pa pala."

'Di mahagilap ni Alayne ang isasagot kay Reese pero 'di nagtagal ay na-i-compose niya ang sarili. "Uh, thank you. But why are you doing this? Hindi ka na sana nag-abala pa."

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon