Chapter 47
Maingat na tinanggal ni Alayne ang kwintas na bigay sa kaniya ni Reese at pinakatitigan 'yun habang naglulunoy siya sa bathtub.
Naalala niya kasi ang trick na sinasabi ni Reese na hanggang ngayon ay 'di pa niya matukoy.
Sinipat niyang mabuti ang pendant na combined or modified heart at infinity shape. It's more like of a G Clef or letter S actually na napapalamutian ng maliit na diamonds sa gilid. Then naka-enclose pa dun ang isang mas malaking gem. Liban pa dun, may isa pang maliit na pendant na bilog. It's a volleyball dahil sa design at arrangement ng maliliit na diamonds.
Hindi na nag-abala pa si Alayne na kalkulahin ang presyo nito. The fact that it's is a gift from Reese, it's already priceless.
Anyway, napansin ni Alayne ang naka-engrave na mga letra sa likod ng pendant, R & A, na alam na niya kung ano ang ibig sabihin.
Muli pang sinipat ni Alayne ang kwintas, sinubukan niyang kalikutin ang pendant dahil baka nababago ang hugis nito pero walang nangyari… Hanggang sa may mapansin siya nang bahagya niya itong iangat at tumama sa liwanag mula sa siwang ng bintana sa bathroom.
Napangiti siya at napaayos ng upo saka maayos na itinapat ang pendant sa liwanag para maayos na mabasa ang napo-project na mga salita.
'I love you so much!'
Halos umabot sa tainga ang ngiti ni Alayne. Naiimagine pa niya na sinasabi 'yun Reese habang paulit-ulit 'yung binabasa kaya naman halos mapatampisaw siya sa bathtub.
At nang humupa ang kilig niya ay inabot niya ang phone saka ini-video call si Reese.
"Himala, marunong ka na uling gumamit ng phone," bungad ni Reese pero tinawanan lang niya ito.
"I love you too…"
Samantala, napangiti si Reese sa kabilang linya. Pakiwari niya'y nalaman na ni Alayne ang message niya sa pendant.
"Nakita mo na?" aniya.
"Yup," sagot ni Alayne at iniangat ang kwintas. "Bigla tuloy kitang namiss. Puntahan na kaya kita dyan sa Cebu?" wika ni Alayne. May inasikaso kasi si Reese sa Cebu mula pa kahapon.
"Magbook na ako ng ticket after ng call na 'to," sabi pa nito.
"Timang, pabalik na ako dyan mamayang gabi."
"And so? I missed you so much!"
"Idiot! Magtiis ka. Natiis mo ngang hindi magpakita sa akin ng ilang linggo, 'di ba?!"
"Love, naman. Nadiscuss na natin 'to 'di ba? I already explained myself to you. Kaya h'wag mo nang isumbat sa akin ang bagay na 'yan."
"Yes and I forgive you. At hindi kita sinusumbatan, ang sa akin lang kasi ngayon, imbes na puntahan ako rito ay manahimik ka na lang dyan at hintayin ako."
"Psh. Fine… Basta mag-ingat ka dyan. I love you…"
"I love you too," wika ni Reese. "And please attend the practice kahit wala ako kundi kokotangan kita pagbalik ko."
"Psh. Ba't pa? Nag-aalburoto lang naman dun si Gori."
"Gori?!"
"Gorilla."
Pigil na natawa si Reese. Kahit wala kasing sabihin si Alayne kung sino ang tinutukoy nito ay alam na niya kung sino ang pinatutungkulan nito.
"Uy, natawa siya. Naiimagine mo 'no?"
"Baliw ka!" wika ni Reese at 'di na napigilang bumunghalit ng tawa. "Gorilla…lakas din talaga ng trip mo, e, 'no?""
Nahawa na rin si Alayne sa tawa ni Reese.
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...