Chapter 51
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Reese habang kausap ito ni Alayne sa phone.
Sa bahay na muna ito tumutuloy dahil sa kagustuhan ng Dad nila na magkakasama-sama ang buong pamilya nito. Mabuti na rin 'yun para maiwasan ang issue na ibinabato sa kanila ngayon. Mahirap na kung may makaalam pang madalas na magkasama sila sa condo.
“Watching a movie while eating pizza,” sagot ni Alayne.
“'Di ka pala makapagfocus dyan. Later na lang tayo mag-usap…” sabi ni Reese na agad niyang tinutulan.
“No, okay lang. I can multi-task. Saka naka-silent naman ang volume.”
“Seryoso ka? Nanonood ka ng movie ng walang sound? Sabagay, may subtitle naman…”
“Wala rin…”
“Goodness! Weird mo, a! Paano mo naiintindihan 'yan?”
“Cinematography… mise en scene… 'Pag magling ang director, 'yan lang enough na.” Then natawa siya. “Assignment rin kasi namin 'to. Pinag-aaralan ko yung shots at nadidistract ako sa sounds. Anyway, when you're really taking a Film course, mahirap na talagang i-appreciate ang movie lalo na't maiisip mo 'yung mga kind of shots sabayan pa ng mga theories.”
“Fine. I get it,” sagot ni Reese kahit hindi siya masyadong maka-relate.
“Ikaw, anong ginagawa mo?” tanong ni Alayne pagdaka.
“Nakahiga na habang kausap ang pinaka-weird na taong kilala ko.”
“Na sobrang love mo naman?…”
“Hmmm…Yeah.”
Napangiti nang malapad si Alayne at pinigilan ang sariling magpakawala ng impit na tili.
“Luh siya. Kinilig na naman ang isa dyan…”
Ipinause ni Alayne ang movie at biglang nagvideo call kay Reese.
“O, akala ko ba nanonood ka?” ani Reese.
“Later na 'yun. Mas gusto kitang makita…”
Now, it's Reese turn to feel those butterflies in her stomach. Wala pa sa loob na nahawakan niya ang screen para kunwa'y haplusin ang mukha ni Alayne.
“I missed you…” mahinang wika niya.
“Punta ako dyan?”
“Nah. Don't bother. Papagurin mo pa ang sarili mo… Saka, baka maabutan ka pa ni Ciel dito, lalo pang sumama ang loob.”
“Hindi pa rin ba kayo nagkakausap?”
Umiling si Reese. “Iniiwasan niyang magkausap kami. In fact, wala pa rin siya sa bahay ngayon.”
Natahimik si Alayne at bumalatay ang guilt sa mukha. Pakiramdam niya kasi ay kasalanan niya kung bakit hindi nagkakaunawaan ngayon ang magkapatid.
“Don't blame yourself, love…” ani Reese na nabasa ang emosyon ni Alayne. “It's not your fault… It's no one's fault…”
“Kaya h'wag mo nang isipin…” wika pa ni Reese. “Magkaayos din kami ni Ciel at matatanggap din niya ang relasyon natin…”
.
.
.
Hindi na nila namalayan ang oras dahil sa naparami at masaya nilang usapan. Pasado hatinggabi na nang matapos sila. Sa katunayan nga, kung hindi pa nila naalalang may laro bukas ay baka nagpaumaga na sila sa pag-uusap.
Patulog na sana si Alayne nang muling magring ang phone niya. Akala niya ay si Reese kaya naman hindi na siya nag-abala pang isuot ang eyeglasses at agad na sinagot ang tawag.
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...