Chapter 37

10.1K 372 35
                                    

Chapter 37

Sunday...

Game day... PVL Collegiate Conference, Game 1 ng best of 3 Finals.

Reese was already expecting this scenario. This is the Salvatore Smashers' first finals appearance. Ever. Kaya naman hindi na siya nagtataka kung madatnan niya ang mga players na sobrang kinakabahan. Kung hindi tila nakakaramdam na naduduwal, ay sumasakit ang tiyan ng mga ito sa sobrang kaba. Kahit ang Captain na si Alessa na laging kinakakitaan ng lakas ng loob, ay halata ang pamumutla ngayon. Nangunguyakoy pa ang mga tuhod nito at hindi mapakali. Pati na rin sina Diane at Penelope na kadalasan ay pinagmumulan ng ingay at tawanan sa team ay mga tahimik ngayon.

Hindi tuloy maiwasang mapangiti ni Reese nang maalala ang first finals appearance niya sa De La Salle...nila ni Lissa. Ganito rin sila noon kaya alam niya ang pakiramdam. UAAP pa 'yun at mas matindi ang pressure lalo't ang kalaban nilang team ay ang rival nila na Ateneo.

Sa kabilang banda, kung mayroon mang isang taong masasabing normal ang ikinikilos sa dugout na 'to, 'yun ay walang iba kundi si Alayne. Tulad ng mga dati nitong pre-game routine, nasa sulok lang ito at kumakain ng chocolate habang nagsa-soundtrip.

Well, hindi na ito nakakapagtaka. Alayne had already been in the most prestigious stage of volleyball-the Olympics. Kaya naman parang wala na rito ang pressure ng PVL Finals.

Kinuha ni Reese ang atensiyon ng mga players at nagbigay ng breathing exercises para mabawasan ang nerbiyos ng mga ito. Then saka siya nagbigay ng kaunting pep talk at encouragement sa mga ito.

"Guys, it's normal to be nervous especially in times like this. It's normal to feel pressured but don't let it overtake your mind. Just focus on the game. Focus on the basics we've practiced over time. All I want you to do is put your effort and concentration into playing your potential...to be the best that you can be. Enjoy the game...play with passion. At siyempre, one of the most important thing I want to see in this game is teamwork."

"Yes, Coach!"

"I can't hear you," ani Reese kaya lalong nilakasan ng team ang pagtugon, sa pangununa ni Alessa.

Ngumiti si Reese. "We're all good. We got this. Today is the day we're going to win!"

"Salvatore...fight!

***

Paglabas sa dugout ay pasimpleng inakbayan ni Alessa si Alayne.

"Your lefty services will be a great help," anas ni Alessa, nag-iingat na walang ibang makarinig. "We need you to go all out, Olympian."

"I don't think it'll be necessary, Cap," ani Alayne. "Liban na lang siguro kung magpaka-pechay na naman kayo mamaya."

"Loko ka, a!" ani Alessa at marahang binatukan si Alayne.

"Uy, ano 'yan?!" sabat ni Penelope. "Pa-join naman! Pabatok din kay Al!"

"Sipain kaya kita?" angil ni Alayne. Inambaan na niya si Penelope bago pa man siya nito mabatukan.

Nagkatuwaan silang tatlo ngunit natigil 'yun nang mapansin nila ang setter ng Manila na si Ashley Dela Vega na magiliw na lumapit kay Reese at bumeso.

"Che due palle! (What the heck?)" bulalas ni Alayne.

"Close sila?" wika naman ni Penelope. "Kelan pa?"

Hindi man nila naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito pero sapat na ang masayang ekspresyon sa mukha ng mga ito para mairita si Alayne.

Mas lalo pang nainis si Alayne dahil sa pagiging touchy ni Ashley. May panaka-nakang paghawak pa ito sa kamay ni Reese.

"Merda! (Shit!)"

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon