Chapter 49

8.9K 311 33
                                    

Chapter 49

"Noob! You're such a noob!" tawang-tawa na pang-aasar ni Reese kay Alayne habang naglalaro sila ng video game. Nakakailang match na sila pero kahit anong gawin ni Alayne, o kahit sino pang fighter ang gamitin nito, hindi ito nananalo sa kaniya. "Alayne the Noob!"

"Nyehnyehnyeh! Pinagbibigyan lang po kita!" sabi ni Alayne pero halatang nabubuwisit na.

Hiniram niya sa kanila ang video game na 'to para may mapaglibangan namang iba tutal ay hindi naman na ito nagagamit ng Kuya Rafael niya. Then inaya niya si Reese at hinamon pero hindi niya akalain na magaling itong maglaro ng ganito.

"Pinagbibigyan daw… E, ba't gigil ka? Asar ka pa!" wika ni Reese na tawang-tawa pa rin.

Hinawakan pa niya ang nakabusangot na mukha ni Alayne at pinanggigilan 'yun. "Face of a noob!"

"Ano ba?! Tuwang-tuwa ka, a!" Umiwas si Alayne pero hindi siya nilubayan ni Reese at patuloy na pinanggigilan.

Kaya naman, hinampas niya si Reese sa hita at pinisil pa 'yun. Nadampot pa niya ang throw pillow at nahampas din kay Reese.

"Aray!" anito at sinubukan siyang tampalin sa mukha pero nakaiwas siya at agad na nakatayo.

Ngayon, siya naman ang natawa.

"Ano, laban ka?" ani Alayne at ginaya ang karate stance ng fighter sa video game. Hawak pa rin niya ang throw pillow pansangga kay Reese.

"Ah gano'n?" wika ni Reese at biglang dinaluhong si Alayne pero bigla itong nakatakbo.

"Here comes the Godzillaaa!" tawang-tawa na sigaw ni Alayne at tinalon ang sofa para 'di maabutan ni Reese.

"De Marco!" Pinaningkitan ni Reese ng mga mata si Alayne pero hindi niya maitago na natatawa siya.

"Come and get me, Coachzilla!"

Naghabulan ang dalawa sa paikot sa sofa at nagbatuhan ng throw pillow. Wala silang pakialam kung magulo nila ang sala. What they have all in mind is to seize this moment…laughing ang enjoying each other's company.

.

.

Patuloy ang habulan ng dalawa hanggang sa ma-corner na nga ni Reese si Alayne. Napatid pa ito sa kalat nila kaya tuluyan na nga itong nahuli ni Reese. Bumagsak silang dalawa sa sofa.

"Aahh! Tama na!" sigaw ni Alayne habang nire-wrestling at panaka-nakang kinikiliti ni Reese.

"Ano ka ngayon? Even in real life, love, you're a noob!" natatawang sabi ni Reese habang patuloy sa ginagawa.

"Enough na—Aray, teka! 'Yung balikat ko! Baka ma-injured ako, may game pa naman bukas!"

Agad na binitiwan ni Reese si Alayne pero laking gulat niya nang bigla nitong pagpalitin ang puwesto nila. Si Alayne na ngayon ang nakakubabaw sa kaniya at hawak siya nang mahigpit sa kamay.

"Joke lang…" nakangising sabi ni Alayne at ginantihan siya.

"Alayne!" tili niya pero wala siyang magawa sa lakas nito.

Nakawala ang isang kamay niya at nahawakan ito sa mukha para itulak sana ito pero marahan nitong kinagat ang kamay niya.

"Baliw! Walang kagatan!" aniya at pinitik sa noo si Alayne.

Tinawanan lang siya nito nang nakakaloko saka sinubukang hulihin ang kamay niya.

Patuloy ang harutan nila nang bigla siyang dumaing.

"Al, tama na, kumikirot 'yung tuhod ko," aniya.

"Nah. Gaganti ka lang, e," anito.

"Timang! Tumayo ka nga muna!" wika niya at nakagat ang pang-ibabang labi.

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon