Chapter 71
"Mia Marcelo…"
Nakita ni Reese kung paano magulat at mapaigtad ang bench player ng MU nang banggitin niya ang pangalan nito pagpasok nito ng silid. Kasalukuyan siyang nasa opisina ng may-ari ng bar at napakiusapang gamitin ito para makausap nang masinsinan si Mia Marcelo.
"C-Coach R-Reese," nauutal na wika nito nang makabawi sa pagkabigla. "Ano hong ginagawa niyo rito? Ang sabi ay gusto raw po akong kausapin ng boss ko—" Hindi na nito itinuloy ang sasabihin nang ma-realize ang nangyari.
"Come, have a sit. Don’t be afraid. Gusto lamang kitang kausapin," aniya sa malumanay na boses.
Atubili man ngunit naupo rin si Mia Marcelo sa harap niya. Kabado pa rin ito at hindi makatingin sa gawi niya.
"I'm sorry nga pala kung naabala kita sa trabaho mo. But don't worry, naipagpaalam na kita sa boss mo. So, kumusta ka naman?"
"A-Ayos naman po."
"Good to hear. Anyway, Ms. Marcelo, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I guess you knew the reason why I came here to talk to you,” seryoso niyang wika. Hindi niya inalis ang pagkakatitig dito.
Bahagya itong tumango. “Tungkol po kay De Marco, ‘di po ba?”
“Yes,” aniya. “You know what, Ms. Marcelo, or can I call you Mia?”
Tumango lamang ito.
“Right, Mia. Let’s make this easy for the both of us. At para hindi na rin masayang ang oras natin pareho. Now tell me, ano nga ba talaga ang nangyari that night? Who drugged Alayne De Marco?” direkta niyang tanong.
Pansin niya ang paglunok nito at ang mga butil ng pawis na namumuo sa noo nito kahit pa malakas ang buga ng aircon sa silid.
“H-Hindi ko po alam, C-Coach. W-Wala po akong alam.”
As she expected...
“Really, Mia?” aniya na hindi kumbinsido sa sinabi nito.
Mia Marcelo is a bad liar. Kitang-kita niya sa reaksiyon nito na may alam nga ito.
Kinuha niya ang tablet sa bag at ini-open ang footage na nakuha niya saka ipinakita rito.
“Pero C-Coach, nagserve lang po ako ng order nila pero hindi po ibig sabihin nun ay ako po ang nagdrugs kay De Marco. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko dyan.”
“Okay...” aniya at may footage uli na ipinakita rito. Ito naman ‘yung kuha na kausap ni Fiona Ruales si Mia. “Now, this one. Madalas ba si Fiona Ruales sa bar na ito?”
“Hindi naman po siguro. Nang gabi lang po na ‘yan ko siya nakita sa bar.”
Tumango-tango siya. “It seems that you and Fiona Ruales knew each other. Matagal na kayong magkakilala?”
Hindi kaagad nakasagot si Mia. Wari’y pinag-iisipan ang susunod na sasabihin.
“Uh, binati lang po niya ako saka kinumusta,” anito pagkatapos ay bahagyang natawa. “Nakilala niya po siguro ako kaya nilapitan po niya ako. Normal lang naman po siguro ‘yun, ‘di po ba, Coach?”
Bahagya siyang natawa. “Mabuti ka pa. ‘Yung ibang players nga namin sa SU ay hindi niya kabisado ang pangalan eh lalo na ‘yung mga bench players. At kung makita man niya sa labas ay dinadaan-daanan lang niya.”
Nahuli ni Reese ang biglang pamumutla ni Mia.
“I understand you, Mia, kung ayaw mong madamay. Natatakot kang matanggal sa team at mawala ang scholarship mo kaya natatakot kang umamin sa kung ano ang totoo...”
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...